25.6 C
Batangas

Turismo ng Batangas, patuloy sa pagbangon matapos ang pagputok ng Bulkang Taal

Must read

- Advertisement -

By ROMNICK V. ARELLANO

ISANG malaking dagok ang hinarap ng lalawigan ng Batangas matapos ang pagputok ng Bulkang Taal nuong nakaraang January 12, 2020 at nanatiling nasa Alert Level 2 na kung saan nagdulot ng malaking pinsala at lubos nitong naapektuhan ang turismo ng lalawigan. Sa ngayon ay patuloy na ginagawan ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang pag-ahon at pagbangon ng turismo.

“We want to assure our visitors and tourists that actually it is safe to travel to Batangas. During the hike of our efforts, rescue, relieve, rehabilitation, nalagay ang Taal Lake Volcano sa center of attraction not only around the Philippines but worldwide,” pahayag ni Vice Governor Jose Antonio S. Leviste II.

Sa kabila ng hindi magandang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal, nakikita naman itong pagkakataon upang mas makilala pa ang Batangas at mapansin ang iba pang lugar na nakapaloob sa probinsyang ito.

Ayon pa sa bise gobernador, gagamitin nilang stepping stone ang nangyari sa Batangas upang lalong pag-usapan ang Taal Lake and Volcano at umaasa sila na sa pamamagitan ng out of curiosity ay mas maraming tao ang bibisita sa nasabing lugar.

Hindi naiwasang maikumpara ni Leviste ang nangyari sa Batangas sa nagdaaang rehabilitasyon ng Boracay, kung saan ay naging maingay na usapin na baka bumaba at bumagsak ang industriya nito.

A booming beach resort in Isla Verde, Batangas City.|

“Kung ihahalintulad natin yung sitwasyon natin sa Boracay, bagaman naka-lockdown ito ay pagkakataon upang ma-promote natin yung mga ibang areas, the beaches and coastal areas of Batangas, yung mga countryside, mga bulubundukin and other aspects of tourism like culinary, the outdoors and cultural tourism,” dagdag-pahayag pa ng bise gobernador.

Bagamat nasa proseso ngayon ng pag-aayos ng mga nasira bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal, hindi naman maikakaila na isa pa din ang Batangas sa may magagandang lugar sa Pilipinas.

“Sana ay magtulong-tulong at magsama-sama tayo na magpromote ng ating lalawigan by posting beautiful experiences, lasting memories, nice pictures of your respective areas through social media. Lets enjoy our summer, lets enjoy our beautiful Batangas,” pagtatapos ni Vice Governor Leviste.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ALITAGTAG, Batangas – NAKAKULONG ngayon sa custodial facility ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) ang drayber ng isang commuter van na nasabat ng pulisya sa isang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan sa bayang ito, Lunes ng umaga, samantalang naisampa na...
MABINI, Batangas -- MAS maraming trabaho para sa mga Batangueno at pag-unlad ng mga negosyo at ng bayan ang tiyak na magiging benepisyo ng operasyon ng Port of Mabini sa Brgy. San Juan sa bayang ito na ngayon ay...
THE Armed Forces of the Philippines (AFP) and the U.S. military will conduct the 39th iteration of Balikatan, the largest annual bilateral training exercise between the two Allies, from April 22 to May 10.  The exercise directly supports the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network