26.6 C
Batangas

₱72 M Cash Assistance sa mga barangay, ipamamahagi ng kapitolyo sa April 6

Must read

- Advertisement -

By Mark John M. Macaraig

Sa patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagharap sa kasalukuyang pangkalusugang krisis na dala ng Coronavirus Diseases (COVID-19), muling magbibigay ng tulong pinansyal ang Kapitolyo para sa 1,078 na barangay sa buong Lalawigan ng Batangas, na may kabuuang halaga na ₱72 Milyon sa Lunes, Abril 6.

Ang nasabing financial assistance ay bahagi pa rin ng isinasagawang serye ng pagbibigay ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng barangay sa probinsya upang magkaroon ang mga ito ng karagdagang pambili ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan na ihahatid naman sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong sa panahong ito.

Ang kabuuang ₱72 Milyon ay mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ng tinatawag na Provincial Assistance Program Against COVID-19 (PAPAC) na inisyatibo ni Governor Dodo Mandanas, at buong pagkakaisang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.

Bukod pa ito sa inaasahang tulong na manggagaling sa pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng social amelioration program, sang-ayon sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), katuwang ang Provincial Treasurer’s Office, nakatakdang ipamahagi ang nasabing ayuda sa mga pangulo ng mga Pambayang Pederasyon ng mga Ingat-Yaman ng Barangay sa Provincial Capitol, Lungsod ng Batangas.

Pagkatapos nito, ang mga barangay officials na ang direktang maghahatid ng tulong pinansyal sa kani-kanilang mga kababayan.

Sa pinalabas na iskedyul ng PACD, ipagkakaloob ang financial assistance sa mga taga-Unang Distrito ng lalawigan mula 8AM hanggang 9AM; 3rd District sa 9AM hanggang 10AM; 4th District at Lungsod ng Lipa (6th District) sa 10AM hanggang 11AM; at, 2nd District at Lungsod ng Batangas (5th District) sa 11AM hanggang 12:30PM.

Naging magkakatuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office, mga barangay officials at barangay health workers sa pagkilala at pagpili ng mga pamilyang pinaka-nangangailangan ng mga nasabing suporta, partikular ang mga pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Matatandaan na unang isinagawa ang pamamahagi ng ayuda na tig-₱20,000 para sa lahat ng barangay noong Marso 26, na isinagawa mismo sa Kapitolyo na may kabuuang halaga na ₱21.5 Milyon.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -