29.4 C
Batangas

20 nagtapos sa DTI Kapatid Mentor ME Program

Must read

- Advertisement -

LIPA City – NAGTAPOS ang ikatlong batch ng graduates ng Kapatid Mentor Micro Enterprise (KMME) Program ng Department of Trade and Industry-(DTI) Batangas sa Angelos Kitchen, Blue Sapphire Bldg. sa lungsod na ito, Hulyo 19.

Ayon kay Bb. Marissa Argente, Assistant Regional Director ng DTI Calabarzon, ang 20 graduates ay sumailalim sa iba’t ibang modules kung saan may mga mentors na nagbibigay kaalaman at nagtuturo sa kanila upang mas mapaganda at maiangat ang kanilang mga produkto at serbisyo.

“Natutuwa ang aming tanggapan dahil eto at may 20 nagtapos na naman sa ilalim ng KMME program, hangad naming na mas marami pang Batangueñong micro small and medium enterprises ang maging bahagi ng programa at maisulong ang pagkakaroon ng mas maunlad na negosyo sa pamamagitan ng kaalaman mula sa mga eksperto”, ani Argente.

Nagbigay naman ng inspirastional message si Mark Timothy Pagaduan, Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) Certified mentor kung saan binigyang-diin niya na dapat ay ipagpatuloy ng isang indibidwal kung ano ang hilig dahil wala sa edad o posisyon ang kanyang ikatatagumpay. Sinabi pa nito na ang pagkabigo ay bahagi ng tagumpay ng isang tao at walang tao na nagging matagumpay na hindi dumaan sa mga pagsubok.

Ayon kay Ednyl Esguerra na mula rin sa PCE, may anim na bagay siyang nais ipaalala sa mga nagtapos sa programa, dapat ay may pride, skills, passion, direction, belief at action. Kapag napagsama-sama ito ay hindi malayong maging matagumpay ang isang negosyante dahil ang isinusulong nito ay ang kanyang ninanais. Aniya pa, dapat ang negosyo ay mayroong value upang mas magkaroon ng tagumpay.

Nagbahagi naman ng kanyang testimonial ang isa sa mga graduates na si Florisa Panganiban mula sa Quinlan Enterprises kung saan ang kanilang produkto ay lambanog.

“Nagsimula po kami sa maliit na negosyo lang hanggang sa magkaroon kami ng mga contacts at dumami ang aming mga suki pero dumating din po sa panahon na nagkaroon ng malaking dagok sa aming negosyo lalo na noong mangyari ang isang insidente sa Laguna na nakaapekto ng malaki sa industriya ng mga naglalambanog, parang pinanghihinaan po kami ng loob pero patuloy ang pagkapit naming sa Panginoon, nagpapasalamat din kami na may DTI at malaking tulong sa amin ang mga kaalaman na ibinibigay nila sa amin. Sa atin pong mga negosyante walang kalugar-lugar ang pagsuko, dapat po laban lang tayo kahit alam nating lugi tayo kelangan nating lagging lumaban dahil kung hindi wala mangyayari sa atin, walang puwang ang takot sa atin; dapat laging kapag pinabayaan nating ito ay manaig, hindi natin makakamit ang hinahangad nating tagumpay”, ani Panganiban.

Matapos ito ay iginawad ng DTI Batangas ang sertipiko na nagpapatunay na natapos ng 20 mentees/graduates ang kanilang curriculum. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

News | June 20, 2025 by Leila Valencia / Photo by Ericson Delos Reyes A total of 100 hygiene kits were distributed by the Philippine...
CAMP VICENTE LIM - INIUTOS ni Acting Regional Director PBGen Jack L. Wanky ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakarekober ng tinatayang 30 kilo ng...
CAMP VICENTE LIM, Laguna -- POLICE Brigadier General Jack L. Wanky, a proud member of the Philippine National Police Academy (PNPA) “TAGAPAGPATUPAD” Class of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -