26.7 C
Batangas

Konstruksiyon ng kauna-unahang pagawaan ng steel beams sa bansa, sisimulan na

Must read

- Advertisement -

By BALIKAS News Reportorial Team

LEMERY, Batangas – LIBU-libong trabaho ang tiyak na lilikhain ng isang pabrika ng bakal sa bayang ito na inaasahang magbabakilala hindi lamang sa bayang ito kundi maging sa Lalawigan ng Batangas sa bansa bilang mahalagang bahagi ng industriya ng konstruksyon.

Nito lamang Martes, Abril 23, pormal nang isinagawa sa Brgy. Mataas na Bayan ng munisipyong ito ang groundbreaking cemerony para sa itatayong pasilidad ng Steel Asia Lemery Works na inaasahang makalilikha ng humigit-kumulang sa 8,500 trabaho.

Sa kaniyang panimulang mensahe, lubos na pinasalamatan ni Steel Asia Chairperson & Chief Executive Officer Benjamin O. Yao ang lahat ng nakiisa sa programa, partikular ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ni Gobernador Hermilando I. Mandanas sa suporta sa itatayong pagawaan ng bakal.

Ayon pa kay Yao, ang proyektong ito ay makapagbibigay ng 1,500 direktang trabaho at 7,000 mga trabaho sa mga magbibigay ng allied services sa mga kawani ng bubuksang pabrika.

Ipinagmalaki naman ni Gobernador Mandanas na ang Lalawigan ng Batangas ang napili ng Steel Asia na siyang pagtayuan ng kauna-unahang steel plant sa bansa na bubuo ng mga steel beams na aniya’y napakataas ng demand ngayon sa mga konstruksyon.

Aniya pa, ang Steel Asia ay magiging isang bantayog sa lalawigan sa katatagan ng diwang maka-Pilipino sa larangan ng produksyon ng bakal sa bansa, at paghahatid ng maraming pagkakataon sa mga Batangueño upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay.|May ulat ni Junjun De Chavez

Photo by Junjun de Chavez

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -