25.9 C
Batangas

1.5 B proyekto sa Batangas City, pinondohan ng national government

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — MAHIGIT pang P1.5 bilyong halaga ng mga proyekto sa lunsod na ito ang napondohan ng national government sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Mariño sa isa’t kalahating taon ng kanyang panunungkulan bilang unang halal na kinatawan ng ika-5 Distrito ng Batangas.

Ilan sa mga proyekto ay naipatupad na habang ang iba naman ay on-going at ipapatupad pa.

Kabilang dito ang mga infrastructure projects na binigyan ng pondong P524.5 milyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang mga ito ay ang sumusunod: asphalt overlay of Manila-Batangas Rd at Manila-Batangas Pier Rd.; concrete reconstruction (with drainage) of Batangas-Tabangao-Lobo Rd.; widening of Manila-Batangas Rd.; concreting of Batangas City-San Pascual-Bauan Rd, including ROW; construction of gravel road/concrete bridge along STAR Tollway- Pinamucan By-Pass Road; at pito pang construction, improvement, maintenance o rehabilitation ng mga national roads, tulay at flood control structures. Ilan sa mga proyektong ito ay natapos na at ang iba naman ay ginagawa pa.

Pinondohan din ng DPWH ang dalawa pang priority projects ni Mariñio : ang construction ng bagong City Public Library at ng Life Transformation Sanctuary (drug rehabilitation Center) sa barangay Cumba. Katuwang sa mga proyektong ito ang pamahalaang lungsod, kung saan naglaan si Mayor Beverley Dimacuha ng pondo para sa pasilidad, mga materyales at suplay na ilalaman sa gusali.

Isinumite na rin ng Congressman ang listahan ng mga paaralang pagtatayuan ng mga bagong school buildings na popondohan sa ilalim ng DepEd’s Basic Educational Facilities Fund (BEFF). Ang mga ito ay pinili ayon sa criteria na itinakda ng DepEd at DPWH. Ito ay may nakalaang pondo na mahigit sa P300 milyon.

Ilan dito ay ang Gulod Senior High School na pagtatayuan ng 1-unit 4-storey 20- classroom school building, 1 unit 4-storey 16-classroom school building, at 1-unit Unique Workshop; konstruksyon ng 1-unit 4 storey 16 classroom school building at 1-unit 4 storey 12-classroom school building sa Alangilan Senior High School; 1-unit 4-storey 16-classroom school building sa Pinamukan National High School at sa 12 pang paaralan.

Ang Department of Agriculture (DA) Farm-to-Market Road (FMR) Program ay nagkaloob ng P10 milyon para sa konstruksyon ng Sto. Niño farm-to- market road. Magpapagawa rin ang DA ng FMRs sa mga barangay ng San Jose Sico, Sto. Domingo, San Miguel, Talahib Pandayan at Banaba Center.

Sa koordinasyon ni Cong. Mariño sa Department of Health (DOH) ay sinimulan na ang konstruksyon ng limang Rural Health Units sa mga barangay ng Pallocan West, Ambulong, Alangilan, San Isidro, at Ilijan.
Ang Commission on Higher Education Tulong Dunong Program ay nagkaloob ng educational assistance na halos P13 milyon kung saan P8 milyon ang inilaan para sa mga grantees na nag-aaral sa Batangas State University at P5 milyon sa mga grantees sa ilang mga private schools. May 2,000 indibidwal ang nakinabang sa cash for work program na nagkakahalaga ng halos P12 milyon buhat sa Department of Labor and Employment’s (DOLE) TUPAD. May 46 scholars ang nagtapos ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC 1 sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mahigit sa 1,000 indibidwal ang natulungan ng Medical Assistance Program ng Department of Health (DOH).

May 6,000 indibidwal naman ang tumanggap ng medical at burial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.

Nakalinya na rin para mapondohan ng DPWH’s Local Infrastracture Program ang construction/rehabilitation ng 16 na barangay roads at ang construction/repair/renovation/ expansion ng barangay health centers sa Tingga Labac, Mabacong at San Agapito, Isla Verde.|- PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the University’s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -