24.1 C
Batangas

Suspected pusher, patay matapos makipagbarilan sa pulis

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LEMERY, Batangas – NALAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng Lemery Municipal Police Station ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Brgy. Mahabang Dahilig sa bayang ito, nitong Martes, Mayo 29.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkasa umano ng isang buy bust operation ang mga mga tauhan ng Lemery Municipal Police Station katulang ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Batangas City Police Station sa pamumuno ni Police Chief Inspector Lory Emberga Tarrazona bandang alas-3:10 ng madaling-araw.

Nang makatunog ang suspek na nakilalang si Salvador Radam alyas Nonoy ng bayan ng Silang, Cavite, na ang ka-transaksyon pala niya ay mga alagad ng batas, kaagad siyang tumalilis sa direksyon ng Barangay Maigsing Dahilig sakay ng isang dilaw na kotseng Honda Civic na may plakang WEY-835.

Hindi kalayuan ay nakorner din siya ng mga humahabol na tauhan ng Lemery Municipal Police Station, ngunit sa halip na sumuko ay kaagad niyang pinaulanan ng putok ang mga otoridad gamit ang calibre .45 pistola at tinamaan ang glass window ng patrol vehicle ng mga pulis.

Gumanti naman ang mga tumutugis na kagawad ng Drug Enforcement Unit at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Kaagad ding naisugod ang suspek sa Batangas Provincial Hospital sa bayan ng Lemery ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Narekober sa naturang insidente ang isang (1) cal. 45 Taurus Pistol na may Serial Number NAP86427 at may kasamang magazine at buhay nab ala; apat na basiyo ng cal.45; apat na basiyo ng 9mm; isang magazine na kargado ng walong bala; isang sachet ng hinihinalang shabu; at 15 piraso ng tig-P1,000 marked money.

Bago ang engkwentro ay minsan nang naaresto si Radam noong Pebrero 18, 2015 sa salang paglabag sa Seksyon 11 ng Republic Act 9165 o posesyon ng iligal na droga. Ngunit bago rin ito ay may warrant of arrest nang ipinalabas si Hon. Judge Amma S. Young ng RTC Tagaytay City noong Hunyo 21, 2011 sa kasong pagnanakaw, at isa pang warrant na pinalabas ni Judge Nifasio Pascua noong Hunyo 6, 2013.

Ang nasabing operasyon ay bahagi pa rin ng mas pinalakas na kampanya kontra iligal na droga na siyang prayoridad na programa ng kauupong Provincial Director, PSSupt. Edwin A. Quilates, sa tagubilin ni Regional Director, PCSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Disclaimer: This is an unsponsored article. The sole purpose is to educate and inform the consumers. LET'S have a hindsight look at the “paradigm shifters” in the local retail environment focusing on companies that have dared to modernize and improve...
IN educational settings, the Dunning-Kruger effect manifests with particular intensity and consequence, impacting not only the relationship between teachers and students but also among faculty and administrators. This cognitive bias, where individuals with limited knowledge overestimate their competence, can...
AT least 14 local government units (LGUs) composed of three (3) cities and 11 municipalities in Batangas province, are the new recipients of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), the Department of Interior and Local Government (DILG) reported....
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -