25.2 C
Batangas

15% diskuwento sa amilyar para sa Batangas Lakeshore Towns, pasado sa SP

Must read

- Advertisement -

BATANGAS Capitol – INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang panukalang batas na naglalayong pababain ng labing limang porsyento (15%) ang Real Property Tax o amilyar para sa mga lupang sakop ng mga bayang nasa palibot ng Lawa ng Taal, na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang pagbibigay ng diskwento para sa nasabing buwis, na itinakda hanggang ika-29 ng Pebrero 2020, ay ipinasa sa isinagawang regular session noong ika-10 ng Pebrero 2020 sa Sotero H. Laurel Session Hall, Capitol Site, Lungsod ng Batangas.

Itinatadhana sa pinagtibay na ordinansa na makakatanggap ng diskuwento sa labindalawang bayan o lake-shore towns na kinabibilangan ng Alitagtag, Balete, Cuenca, Agoncillo, Lemery, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, at Laurel.

Pahayag ni 1st District Board Member (BM) Carlo Roman “Junjun” Rosales, punong may-akda ng ordinansa, inaasahang malaki ang maitutulong ng napagtibay na ordinansa sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng biglang pagputok ng bulkan, at ngayon ay nasa proseso pa ng muling pagbangon mula sa naging sakuna.

Katuwang ni BM Rosales na nagsulong ng nasabing ordinansa sina Vice Governor Mark Leviste at 1st BM Glenda Bausas, na sinuportahan naman ng lahat ng board members ng Sangguniang Panlalawigan.

Binigyang-diin din ng mga Batangueñong mamba-batas na, bagaman at maituturing na ang pagbubuwis o taxation ay “lifeblood” ng pamahalaan, nararapat lamang na unahing itaguyod ng mga naglilingkod sa gob-yerno ang kapakanan ng mga biktima ng kalamidad.

Bago napagtibay ang bagong ordinansa, may sadayang nakalaan na diskwento ang pagbabayad ng amilyar hanggang ika-31 ng Enero kada taon, at dahil sa napagtibay na bagong ordinansa, pinalawig ang pagbibigay ng diskwento hanggang Pebrero 29, 2020.

Samantala, nabatid na ang mga nakapagbayad na ng kanilang amilyar bago napagtibay ang bagong ordinansa ay maari pa ring makinabang, sapagklat ang dapat nilang tanggaping diskwento na 15% ay maaaring mai-app;y bilang tax credit sa susunod na panahon ng pagbabayad nila ng buwis sa ari-ariang di-natitinag.|- Marinela Jade M. Maneja at Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Disclaimer: This is an unsponsored article. The sole purpose is to educate and inform the consumers. LET'S have a hindsight look at the “paradigm shifters” in the local retail environment focusing on companies that have dared to modernize and improve...
IN educational settings, the Dunning-Kruger effect manifests with particular intensity and consequence, impacting not only the relationship between teachers and students but also among faculty and administrators. This cognitive bias, where individuals with limited knowledge overestimate their competence, can...
AT least 14 local government units (LGUs) composed of three (3) cities and 11 municipalities in Batangas province, are the new recipients of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), the Department of Interior and Local Government (DILG) reported....
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -