28.4 C
Batangas

2 iskolar ng Ibaan, iniuwi ang karangalan

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

IBAAN, Batangas — KADALASAN sa mga kabataang iskolar ng mga pamahalaan ay hindi na nagbabalik sa kani-kanilang mga munisipyo makalipas ang kanilang pagtatapos malibang ipatawag muli sa ano pa mang kadahilanan.

Ngunit, kakaiba sa nakasanayan ng marami, personal na nagtungo sa tanggapan ni Mayor Danny Toreja ang dalawang iskolar na nagtapos bilang Aircraft Technician na sina Jo-ed Geron Bayubay at Carlo De Castro Untalan upang magpasalamat dahil sa suporta at tulong na ibinigay ng pamahalaang lokal, April 10.

Kasama nila ang kanilang mga magulang na labis din ang tuwang ibinalita sa alkalde ang parangal na natanggap mula sa paaralan na kanilang pinaggalingan.

Iniuwi ni Untalan sa Ibaan ang karangalan bilang Summa Cum Laude samantalang Cum Laude naman si Bayubay na kapwa nagsipagtapos ng kursong BS in Aircraft Maintenance Technology sa Philippine State College of Aeronautics (PSCA) sa Fernando Air Base sa Lunsod ng Lipa.

Ang mga iskolar na ito ay nagmula sa ordinaryong pamilya — si Bayubay na mula sa Brgy. Balanga ay anak nina Gng. Anastacia Geron Bayubay na mayroong sari-sari store at G. Edwin Bayubay na isang machinist at nakabase pa sa Cavite; samantalang si Untalan naman na mula Brgy. Sabang ay anak nina Gng. Josie Marie De Castro Untalan na isang housewife at G. Wilfredo Gamboa Untalan na isang hograiser.

Dahil sa pagsusumikap ng dalawaat sa tulong-pinansyal na galing sa lokal na pamahalaan ng Ibaan pati na sa pagtitiyaga ng kanilang mga magulang, nabigyang buhay ang kanilang mga pangarap.

Lubos naman ang tuwa ni Mayor Toreja sa karangalang iniuwi ng dalawang iskolar at sinabing hangad umano niya ang patuloy na pagtatagumpay ng mga ito sa propesyong kanilang napili upang makatulong at magbigay din ng inspirasyon sa iba pang kabataang Ibaeño.|May ulat ni Kharen Tejada

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -