KINUMPIRMA ng mga tauhan ng Bantay-Dagay ng bayan ng Sariaya, Quezon at mga kasapi ng environmentalist group na Tanggol Kalikasan (TK), Inc. ang presensya ng mga bunading (whale shark) sa Tayabas Bay nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Edwin Frias, miyembro ng Bantay Dagat ng Sariaya, namataan nila ang may 20 butanding habang nagpapatrolya sila sa katubigang sakop ng bayan ng Sariaya.
Aniya pa, ang pagdating at pamamalagi ng mga butanding ay nagbabadya ng mayamang pangisdaan at sumisimbolo sa paglago ng ecosystem sa katubigan sapagkat ang mga buntanding ay palaging may kasamang iba’t ibang uri ng isda.
Kaya naman aniya tuwang-tuwa ang mga mangingisda sa saganang pangis-daan pagkalipas ng nagdaang bagyong Paeng.
Kapansin-pansin, ani Frias, na kapag nag-iisa ang butanding ay animo’y nagtatag-alon sa lugar, ngunit kapag maraming butanding ang nagpakita gaya ng nagaganap ngayon sa Sariaya ay nangangahulugan ito ng saganang pangisdaan dahil maraming dalang iba’t ibang uri ng isda ang mga butanding.
Simula pa aniya noong taong 2016 kung kailan ipinatupad ng bayan ng Sariaya ang paghihigpit sa mga illegal fishing activities sa Tayabas Bay. Lubos ang pasasalamat ng mga Bantay Dagat Bridate members kay Mayor Marcing Gayeta sa mahigpit nitong pagpapatu-pad ng batas para mapangalagaan ang pangisdaan ng Sariaya.
Ayon naman kay BFAR Fishery Law Enforcement Officer Danilo Larita Jr., ang pagkakakita sa mga butanding sa Tayabas Bay ay nagpapaalaala na rin sa mga mangingisda na lalo pang pangalagaan ang Tayabas Bay at ipagpatuloy ang pagmomonitor upang manatling ligtas sa mga illegal fishing activities.| – BALIKAS News