27.9 C
Batangas

2019 Annual Budget ng Lipa, pasado na; budget ng ehekutibo, tinapyasan!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – HALOS magmatira na ang budget ng sangay ng ehekutibo sa pamahalaang lungsod ng Lipa para sa taong 2019 matapos tapyasin ng konseho ang malaking bahagi ng panukalang laang-gugulin nang pagtibay ito ng Sangguniang Panlungsod sa espesyal na sesyon, Miyerkules ng hapon, Enero 16.

Sa espesyal na sesyon ng konseho nitong Miyerkules ng hapon, pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang mahigit P1.7-bilyon taunang badyet ng pamahalaang lunsod ng Lipa, matapos ang mainit na deliberasyon ng mga kagawad.

Ngunit bago pa napagtibay ang appropriation ordinance para sa naturang badyet, malaking bahagi muna ng orihinal na isinumite ng sangay ng ehekutibo ang tinapyas ng konseho. Kabilang sa mga tinapyasan ay badyet para sa iskolarshyip, panukalang laang gugulin para sa pangangasiwa ng basura sa lungsod, at maging ang badyet ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Dahil dito, walang maaring mapadagdag na iskolar ang lunsod para sa taong ito, at maging ang ilang programa ng CSWDO ay nanganganib na hindi maipatupad.

Sa kabila nito, dinagdagan naman ang aproprasyon para sa pagbili ng mga sasakyan, kabilang na rito ang pagbili ng isang coaster para sa paggamit ng mga barangay. Sa mga tinapyas na badyet, ang iba ay inilagay sa mga benepisyo ng senior citizens at ang iba naman ay inilagay sa pambili ng mga garbage trucks.

Ayon naman sa ilang kawani ng cityhall at iba pang tumutuok sa sesyon ng konseho, hindi anila maganda na maraming badyet ang inilaan sa pambili ng mga sasakyan at garbage trucks para sa mga barangay, ngunit wala namang aproprasyon para sa maintenance ng mga ito at ng iba pang sasakyan ng pamahalaang lungsod kaya natatambak lamang kapag nagkakaroon ng sira ang mga ito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Kamote on wheels

0
HAVE you ever been stuck in traffic—tired, frustrated—when, out of nowhere, a motorcycle cuts through dangerously close, jolting you awake? Chances are, you have...
IN the vibrant and chaotic terrain of politics, one wonders at the relentless allegiance many people show toward politicians with dubious credentials and moral...
Biologists from the University of the Philippines Diliman – College of Science, Institute of Biology (UPD-CS IB) call for further and more in-depth surveillance...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -