PATULOY ang pagsusulong ng mabuting pamamahala ng ilang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas, maging sa gitna ng umiiral na corona virus 2019 pandemic, dahilan para kilalanin ng Deparment of Interior and Local Government (DILG).
Katangi-tangi ring nakuha ng mga bayan ng San Jose at Taysan ang 2022 Seal of Local Good Governance (SGLG) at makabilang sa 29 na local government units sa Calabarzon na tumanggap ng narang pagkilala.
Sa buong Lalawigan ng Batangas, tangaing ang mga nabanggit na bayan lamang ang nakapasok at kinilala ng Award Giving Body.
Samantala, napili naman ang Batangas City, Alitagtag, Bauan at Taysan na makabilang sa 135 na awardees ng Beyond Compliant Local Government Units sa bansa sa 22nd Gawad KALASAG — Seal for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance for the Local DRRM Councils and Offices category.
Ang parangal ay ipinagkaloob ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Lubos ang pasasalamat ng Batangas City DRRMC sa kanilang mga myembro, mga barangay, pribadong sektor at sa lahat ng mga mamamayan sa pagtalima at pakikiisa sa mga programa ng lungsod hinggil sa kahandaan at katatagan.| – BNN News Team