BATANGAS City — Pormal na ipinakilala sa publiko noong ika-27 ng Disyembre ang 20 naggagandahang kandidata sa Bb Lungsod ng Batangas 2019 sa pamamagitan ng isang motorcade sa loob ng poblacion.
Ito ay sinundan ng press conference sa Batangas City Convention Center kung saan higit na nakilala ng media ang mga beauty contestants.
Ayon sa mensahe ni Cul-tural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon, espesyal ang pagdaraos ng Bb Lungsod ng Batangas ngayong 2019 at maituturing na mapalad ang magwawagi dito dahil sa ito ang ika-30 taon ng pagtatanghal ng naturang prestihiyosong beauty pageant kaalinsabay ng Golden Jubilee ng Cityhood ng lungsod ng Batangas sa Hulyo.
Binigyang-diin niya na naiiba ang patimpalak pagan-dahan na ito sapagkat binibigyang puntos dito ang katauhan ng kandidata na di tulad ng ibang patimpalak na paramihan ng makakalap na pondo para sa pagpapatayo ng mga proyekto.
Ilan sa mga isyung ibinato sa mga kandidata ay kung ano ang kanilang opinyon sa isyu ng bullying at sa mga problemang kinakaharap ng mga kabataan tulad ng teenage pregnancy at depression.
Nagpahayag din sila ng paghanga kay Mayor Beverley Dimacuha bilang isang babae at ina ng lungsod. At kung mabibigyan sila ng pagkakataon na makausap si Mayor, isusulong nila ang gender equality, child protection at pangangalaga sa kapaligiran.
Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay ang pagsusulong sa responsible use ng social media, pangangalaga sa mga street-children at pagpapalaganap ng edukasyon sa mga kabataan.
Samantala, handa na ang mga gawain sa pagdiriwang ng Batangas City Fiesta celebrations 2019 sa temang โGinintuang Tagumpay sa ika-50 taon ng Lungsod ng Batangan!โ.
Highlight ng selebrasyon ang Sto. Nino ng Batangan Fluvial procession sa Calum-pang River sa ika-7 ng Enero bilang pagpupugay ng mga Batangueno sa Mahal na Patron.
Kaalinsabay nito ang Alay sa Sto Nino cultural presentation sa Batangas City Convention Center na tatam-pukan ng mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang paaralan sa lungsod. Ito ay may temang โGinintuang Alay sa Sto Ninoโ.
Gaganapin naman sa January 9 ang Childrenโs Art Competition sa Teachers Conference Center.
Sa ika-pito ng gabi ng January 11 ang paborito ng mga kabataan na Battle of the Bands sa Amphitheater ng Plaza Mabini.
Mula January 12-16 mapapanood ang Photo Contest at Childrenโs Art Exhibit sa SM City Batangas.
Magpapakitang gilas naman ang mga kandidata sa Bb Lungsod ng Batangas 2018 sa Talent Show na gaganapin sa Batangas City Convention Center sa January 13.
Kokoranahan sa ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum ang pinaka-magandang dilag sa pinakaaabangang Bb. Lungsod ng Batangas Quest 2019. Ito ay tatampukan ng mga sikat na artista sa telebisyon at pelikula.
Sa mismong araw naman ng Kapistahan sa January 16 isasagawa ang parade na magsisimula sa Batangas City Sports Coliseum grounds.
Magsasagawa ng Handog ni Mayor Beverley Rose Dimacuha: Trabaho para sa mga tagalungsod ng Batangas sa Batangas City Convention Center sa ika-19 ng Enero.|PIO Batangas City