28.9 C
Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BALAYAN, Batangas โ€“ SAMA-SAMANG itinaas ni Batangas 1st District Congresswoman Eileen Ermita-Buhain ang mga kamay nina re-electionist Senators JV Ejercito at Cynthia Villar at Ilocos Sur governor at ngayoโ€™y tumatakbo sa pagka-senador Imee Marcos  sa ginanap na general assembly sa bayang ito ng mga iskolar ng konggresista mula sa buong Unang Distrito, Marso 10.

Kasabay nito, hiningi ng konggresista sa kaniyang mga kababayan sa Unang Distrito ang buong suporta at iboto sa darating na halalan ang mga kandidatong kaniyang sinusuportahan na aniyaโ€™y pawang may malaking naitutulong sa kaniyang distrito at nakatitiyak na may maayos at workable na plataporma at adbokasiya at mga magtatrabaho nang maayos sa senado.

Sina Villar at Marcos ay kapwa kapartido ni Ermita-Buhain sa Nacionalista Party, samantalang si Ejercito ay kabilang sa Nationalist Peopleโ€™s Coalition (NPC). Magkakaiba man ng partido, buo ang suporta ni Ermita-Buhain sa mga nabanggit na kandidato.

Tinipon ni Ermita-Buhain ang may 3,000 iskolar niya sa Balayan Covered Court at iprinisenta sa kanila ang mga kandidato sa pagka-senador na suportado niya at ng kaniyang ama na si dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

Sa nasabing pagtitipon, hinikayat ni Senador Villar ang mga taga kanlurang Batangas na subukan ang farm tourism at carpentry. Aniya, libu-libong karpintero ang kailangan ng kanilang housing company ngunit kinakapos sa supply ng mangagawa. Ito ang dahilan kung bakit nagtayo sila ng training centers sa mga estratihikong lugar sa bansa.

Inihayag naman ni Senador JV Ejercito ang kaniyang saloobin sa mga kabataang sumasali sa mga pag-aaklas sa kalye laban sa pamahalaan.

Aniya, โ€œtandaan po natin, tayo ay pinag-aral ng ating pamahalaan, tayo ang iskolar ng bayan. Dapat ang pag-isipan naman natin ngayon ay paano natin maibabalik, o paano natin maiaahong muli ang ating bansa, hindi yung kung paano ito pabagsakin. Dapat maging productive tayo dahil hindi naman tayo pinag-aral ng bayan para pabagsakin ang ating pamahalaan.โ€

Samantala, kasunod ng pagbati sa mga iskolar na magsisipagtapos ngayong taon, sinabi naman ni Governor Imee Marcos na upang maging maginhawa ang mga pamilya habang naghahanap pa ng mga magiging trabaho ang mga magtatapos na iskolar at bilang alalay na rin sa kanilang mga pamilya ay isusulong niyang ma-amyendahan ang batas na nagpapataw ng Value Added Tax (VAT) o suspindehen ang pagpapatupad nito.

Dagdag pa niya, ang pagbibigay ng conditional cash transfer ay dapat maging unconditional na lang lalo nas a mga persons with disabilities (PWDs) at matatanda, ngunit hindi rin naman dapat basta ipamigay sa lahat. Mas makabubuti aniyang i-convert sa cash for work program upang makita rin ng mga tao ang value ng pagkita ng pera at hindi puro dole-out lamang.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO)ย has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position sheโ€™s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -