31.1 C
Batangas

28 kaso ng COVID-19, naitala sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

PUMALO na sa 28 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas ngayong Lunes ng hapon, matapos mapadagdag ang ilang pasyente sa Batangas City, Lipa City Tanauan City at bayan ng Nasugbu.

Pinakamaraming napagdagdag na kaso ang Lungsod ng Tanauan na may talong bagong kaso, bagaman at nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ang Batangas City.

Bagaman ang pinakamalaking bahagdan ng mga pasyente sa bansa ay mga senior citizens, ang mga napadagdag na tatlong bagong kaso sa Tanauan City ay pawang mga nasa middle ages na 37, 39 at 57 anyos. Sila ay pawang mga walang travel history.

Sa Batangas City naman, nasa walong kaso na ang naitatala rito at hindi pa rin nadaragdagan ang magkapatid na nakarecover (PH49) at pumanaw (PH52) sa COVID-19.

Ayon sa City Health Office (CHO), ang pang-walong kasong nakumpirma sa Batangas City ay isang 82-anyos na lola [BC-P8] mula sa Sta. Rita Karsada. Ang pasyente ay walang history ng international travel ngunit may exposure sa COVID patient. Siya ay kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Maynila at nasa maayos nang kalagayan.

Ikinatuwa naman ng publiko ang pagsasapubliko ng CHO ng mga barangay ng mga naunang naitalang kaso sa lungsod. Ito ay sina BC-P1 (PH49), lalaki, 72 anyos, mula sa Brgy. Kumintang Ibaba; BC-P2 (PH52), babae, 79, ng Brgy. Sta. Clara; BC-P3 at BC-P4, lalaki, 24, kapwa mula sa mula sa Brgy. Kumintang Ibaba; BC-P5, lalaki, 71, mula sa Poblacion 4; BC-P6, lalaki, 62 mula sa Pallocan West; at BC-P7, lalaki, 22, mula sa Sto. Domingo.

Sa mga nagpositibo sa Batangas City, wala ni isa sa kanila ang iniulat na naka-admit sa mga ospital sa lungsod.

Sa Lipa City, pumalo na sa pito ang mga nagpositibo sa COVID-19. Bukod sa mag-asawang senior citizens [LC-P2 at LC-P3] ay 80 at 83 taong gulang na mula sa Plantacion Meridienne sakop ng Brgy. Cumba, ay nagpositibo rin ang kasamahin nila sa bahay na matandang babae, 79, [LC-P5]; samantalang nasawi naman ang isang nagpositibo sa Brgy. 1 [LC-P4].

Nag-tig-isa rin ng positibo ang magkapit-barangay ng Bagong-Pook (LC-P6) at Banay-banay (LC-P7). Walang travel history sa abroad si LC-P6 na isang lalaking 45-anyos bagaman at dumalo sa isang kasalan sa Cavite kasama ang kaniyang mga kamag-anak na bumiyahe naman mula sa Spain. Samantalang si LC-P7 naman na isang babaeng 42-anyos ay umuwi mula sa London, United Kingdom at nakaconfine sa Batangas Medical Center sa Batangas City.

Nadagdagan na rin ang nagpositibo sa bayan ng Nasugbu. Si Nasugbu Patient 3 (N-P3) ay isang 64-anyos na babae na may direktang kontak sa unang naging pasyente ng COVID-19 sa Nasugbu na si N-P1 (PH355), at ngayon ay naka-admit sa isang ospital sa Maynila.

Magandang balita naman ay nakarecover na si N-P2, ang 23-anyos na dalaga na nahawahan ng isang CoVID-19 patient sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa kabila nito ay hindi pa rin nakakarecover ang kaniyang nobyo na si Ln-P1 na sinasabing maaaring nahawahan niya. SI Ln-P1, 28-anyos, ang iniulat ng bayan ng Lian na isang trabahador sa isang pabrika na naninirahan sa bayan ng Lian, bagaman ang permanent address nito ay sa Batangas City.

Panghuli sa mga pinakabagong kasong naitala sa Lalawigan ng Batangas ay ang unang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Padre Garcia.

Nananatili pa ring tig-iisa ng pasyenteng positibo sa COVID-19 ang mga bayan ng Mabini (M-P1) at Lungsod ng Sto. Tomas (STC-P1).

Si M-P1 ay isang 29-anyos na babaeng taga Barangay Pulong Anahao ang naitalang unang nagpositibo sa naturang bayan. Batay sa ulat, nagkaroon ng direktang kontak ang pasyente kay COVID Patient PH111 ngunit nagpakita lamang ng mild symptoms kaya kaya sumailalim na kaagad sa home quarantine. Si PH111 naman ay isang 44-anyos na lalaking mula sa Pasig City na ngayon ay nananatiling naka-confine sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

Samantala, mahigpit na ipinapatupad ang contact tracing sa Brgy. Balagbag, sa bayan ng Alitagtag matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang namatay na Person Under Investigation (PUI) sa bayang ito. Si Al-P1 ay dating inate sa puso at unang isinugod sa Taal Polymedic Hospital Medical Center sa bayan ng Taal, bago dinala sa San Jose District Hospital. Matapos mamalagi rito ng ilang oras ay saka naman inilipat sa St. Lukes Medical Center kung saan siya binawian ng buhay. Kinabukasan pa lumabas ang resulta ng swab test ng pasyente na nagpositibo pala ito sa COVID-19.

Sa gitna ng patuloy na tumataas na kaso ng nagpopositibo sa COVID-19, patuloy ang panawagan ng otoridad sa publiko na seryosohin ang mga tagubilin ukol sa social distancing at manatili sa loob ng mga tahanan habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -