By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City – MATAPOS mabilang ang may 97% ng boto mula sa mga clustered precincts sa 105 barangay ng Lungsod ng Batangas, nagdesisyon ang City Board of Canvassers (CBC) pasado alas-diyes ng gabi na iproklama na ang ilang kandidato ng Team EBD o Green Team bilang mga nanalong kandidato para sa mga posisyong lokal sa lungsod.
Ito’y matapos kumpirmahin ng nasabing Board na anuman ang maging resulta ng kabuuang boto mula sa nalalabing 3% ng mga presinto ay hindi na makapagbibigay ng substantial changes o pagkakaiba sa resulta ng halalan.
Magkapanunod na iprinoklama sina re-electionists Mayor Beverly Rose A Dimacuha at Vice Mayor Emilio Francisco (Doc Jun) Berberabe, Jr. na kapwa walang kalaban sa labang ito.
Bagaman at hindi pa pormal na naiiproklama, batay sa mga nakuhang boto nila, kabilang naman sa mga nangungunang konsehales na bubuo sa bagong Sangguniang Panlungsod sina:
- Cruz, Alyzza 102,407
- Montalbo, Aileen A. 99,303
- Dimacuha, Nestor 85,796
- Buted, Karlos 85,199
- Dela Roca, Gerry 78,622
- Macatangay, Oliver Z . 76,874
- Chavez, Nelson 75,508
- Villena, Jullian 72,218
- Pastor, Juanito 71,342
- Atienza, Ched 69,826
- Lazarte, Aleth 67,965
- Gamboa, Jun 59,280
Narito naman ang mga nakuhang boto ng iba pang kandidato:
Espina, Jun 45,730
Balmes, Jonathan 45,129
Aclan, Dhess 37,626
Mercado, Zeigfredo 12,167
Ilagan, Tita Wham 11,885
Abalos, Ronalina 10,331
Anza, Arex 8,685
Quinio, Anabel 7,290
Zara, Jonathan 6,309
Samantala, tatlo pang kasama sa Team EBD na nakatitiyak ng panalo bagaman at hindi pa naipoproklama ay sina reelectionist Congressman Marvey Mariño; at Board Members Ma. Claudette U. Ambida at Arthur Blanco na pawang ipoproklama pa ng Provincial Board of Canvassers sa pag-convene nito bukas sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall.|#BALIKAS_News