26.9 C
Batangas

3 bagong kaso ng COVID-19 sa OrMin, naitala

Must read

- Advertisement -

By Romnick V. Arellano

CITY OF CALAPAN, Or. Mindoro – NADAGDAGAN ng tatlong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Oriental Mindoro nitong nakaraang August 06, 2020 matapos lumabas ang validated results ng COVID-19 tests na isinagawa sa RITM at OMPH Laboratory.

Ayon sa ulat ng tanggapan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor, kinumpirma niyang may 76 na negatibo ang resulta at 3 naman ang nagpositibo sa nasabing virus. Ang mga nasabing nagpositibo ay kinilalang sina Patient No. 2963, 2964 at 2965.

 Si Patient No. 2963 ay 42-taong gulang na babae, mula sa Brgy. Masipit, Calapan City at maybahay ni Patient No. 2609 na naunang nagpositibo sa COVID-19. Kinunan siya ng specimen noong Agosto 4 at nagpositibo. Kasalukuyang asymptomatic at naka-strict home quarantine siya ngayon.

Samantalang si Patient No. 2964 ay 35-taong gulang na babae at mula naman sa Brgy. Pachoca, Calapan City at nagkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive. Kinunan din siya ng specimen noong Agosto 4 at sa kasalukuyan ay asymptomatic. Siya ay naka-strict home quarantine din simula pa noong July 26, 2020.

 Si Patient No. 2965 naman ay 57-taong gulang na babae at mula sa Brgy. Sta. Rosa 1, sa bayan ng Baco. Isa siyang health care worker mula sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH). Nakaranas siya ng mga sintomas gaya ng ubo, sipon, at hirap sa paghinga; samantalang may dinadala ring hypertension. Nagpakita ng sintomas ang pasyente noong July 31, 2020 at naadmit sa ospital noong August 04,2020.

Sa huling ulat, nadagdagan ng 8 ang nakarekober, 5 rito ay local cases at 3 ang LSIs at OFW na sa kabuuan ay 28 na. Ang aktibong kaso na napadagdag ay 26 kung saan 13 ay local cases at 13 ay mula sa LSIs / OFW. Ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro ay 43 at 13 ang admitted o naka-quarantine.

Humihiling naman si Gov. Dolor na patuloy na ipanalangin ang agarang paggaling ng lahat ng mga nagpositibo sa COVID-19.|BNN/TMN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -