Home Events 3 magna cum laude nanguna sa 2018 CLB graduates

3 magna cum laude nanguna sa 2018 CLB graduates

0
3 magna cum laude nanguna sa 2018 CLB graduates

By RONNA ENDAYA CONTRERAS

BATANGAS City — TATLO ang naging magna cum laude sa 11th commencement exercises ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong June 7 sa Batangas City Convention Center kung saan may 180 city government scholars ang nagtapos.

TINANGGAP ni Batangas City RTC Executive Judge Dorcas Feriols-Perez ang Plake ng Pagkilala bilang Guest Speaker sa 11th Commencement Exercises ng Collegio ng Lunsod Batangas (CLB). Kasama sa larawan, [L-R] sina CLB president Dr. Lorna Gappi, Mayor Beverly Rose A. Dimacuha at 5th District Representative Marvey Mariño.|Kuha ni BRYAN CASADO
Sila ay sina Phoebe Joyce Dimaano, Ma. Eloisa Carag na kapwa nagtapos ng Bachelor in Elementary Education at si Christian Ebreo na kumuha naman ng Bachelor of Science in Business Administration.

Sa kanyang farewell address, emosyonal na ipinahayag ni Dimaano ang kahirapan ng buhay na naranasan ng kanyang pamilya at ang sakit ng pagkaitan ng suporta ng ilang taong inaasahan nilang tutulong sa kanila. Nais niyang maging isang engineer subalit dahilan sa kahirapan, pinili niyang maging isang guro sa CLB upang makapagtapos ng pag-aaral.

“Sa kadilimang naranasan ko, sa CLB ko nakita ang kagandahan ng buhay,” sabi ni Dimaano. At sa pamamagitan ng CLB at sa kanyang pagsisikap, “ang isa sa mga sweetness na ipinagkaloob ng Diyos ay ang karangalang ito.”

Hindi niya nakalimutang pasalamatan si dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang nagtatag ng CLB upang mabigyan ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kapospalad subalit karapatdapat na mga mamamayan ng lunsod.

Naging commencement speaker si Hon. Dorcas Ferriols-Perez, executive judge ng Regional Trial Court, Batangas City, kung saan ibinahagi niya ang 4F’s na mahahalagang bagay sa kanyang buhay. Ang mga ito ay ang failure, forgiveness, friendship at family.

Ayon sa kanya, ang failure ay hindi maiiwasang parte ng buhay subalit ito ay dapat tanggapin upang maging mas mahusay ang isang tao. “Learn from each failure and you will become wiser.”

Kailangan ding patawarin ang sarili kapag nagkamali at ang ibang taong gumawa ng mali sa iyo. “Forgiving others is not about them but how much a better person you have become.”

Binigyang halaga rin niya ang friendship at family at kung papaano ang mga ito sumusuporta at nagpapaligaya sa isang tao sa lahat ng oras.

“Believe in what you can achieve, make a positive change in the community and make your family, school, and city proud,” ang payo ni Perez sa mga nagsipagtapos.”

Hindi rin aniya treasures ang mga material na bagay kagaya ng pinapangarap na bahay, sasakyan, mga gadgets. “You are the real treasure and must be shared with the world.”

“My challenge to the 2018 graduates of CLB is to live out your dreams, embrace the uncertainties of life and rise to meet your own unique destiny,” sabi ng executive judge.

Ang paggawad ng certificates sa graduates ay ginampanan nina Congressman Marvey Mariño, Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama sina Judge Perez at si Dr. Lorna Gapi, CLB college administrator.|#BALIKAS_News