BATANGAS City — Nakalikom ng mahigit P900,000 ang Alay-Lakad kung saan may 3,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok, Oktubre 4.
Ala-sais ng umaga nagtipon ang mga participants sa Laurel Park at naglakad bandang 6:30 patungong P. Burgos, Rizal Avenue papuntang Batangas City Sports Coliseum kung saan ginanap ang programa. Kabilang dito ang mga city government employees, barangay officials, kapulisan, estudyante, guro, mga kinatawan ng Department of Education at business sector.
Ang taunang Alay Lakad ay joint project ng local government at private sector na naglalayong magkaloob ng financial assistance para sa edukasyon ng mga out-of-school youth at yuong mga kapus-palad.
Ayon sa Alay Lakad Foundation, ang kanilang scholars sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng 14 na senior high school students, walong persons with disabilities, 19 college students kung saan walo dito ang nagtapos ngayon 2019 at apat ang full scholars.
Tumutulong din ang Alay Lakad sa iba pang youth development projects ng lungsod.
Isa sa mga full scholars si Abigail Hazel Gutierrez ng Kumintang Ilaya, na kumukuha ng kursong Bachelor of Elementary Education sa St. Bridget College.
“Malaking tulong ito sa akin lalo na po sa pamilya ko dahil hikahos po ang aming buhay at kung hindi dahil sa scholarship na ito hindi ako makakapag-aral. Sa ngayon po ako ay nasa 2nd year college at sisikapin ko po na makapagtapos ako ng pag aaral upang matulu-ngan ko ang aking pamilya.”
Binati ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang Alay Lakad dahilan sa ginagawa nito para sa kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod.
Sinabi naman ni Cong. Marvey Mariño na ang Alay Lakad ay pagpapatunay ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagsuporta sa gawaing ito upang makatulong sa maraming out-of-school youth at iba pang kabataang nangangailangan.
May siyam na naggagandahang dilag ang lumahok sa Ms. Alay Lakad 2019 kung saan nanalo si Mikka Ella Ducos Lualhati na kinatawan ng Depart-ment of Education; 1st runner- up si Allyah Lei Mondigo ng University of Batangas; at 2nd runner-up si Alyssa Marie Marasigan ng Child Development Worker Association.
Pinasalamatan naman ni Alan Dela Torre, chairman ng Alay Lakad, ang mga sumuporta sa gawaing ito lalo na yaong mga naging top contributors noong 2018.| PIO Batangas City