25.9 C
Batangas

37 pamilya inilikas sa Batangas City; Takad River umapaw

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – MAY 37 pamilya na kinabibilangan ng 134 indibidwal mula sa dalawang barangay sa Batangas City ang lumikas sa gitna ng paghagupit ng bagyong ‘Jolina’ ngayong araw, September 8.

Ang mga nagsilikas mula sa Barangay 4 at San Isidro ay pansamantalang kinupkop sa Batangas City East Central Elementary School at San Isidro Elementary School, ayon sa pagkakasunod, na nagsilbing mga evacuation centers.

Kaagad na nag-set-up ng community kitchen ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang mapakain ng hot meals ang mga ito. Mayroon ding nakahandang bigas, canned goods at used clothes upang matugunan ang kanilang mga dagliang pangangailangan.

Ayon kay Christina Baja, kagawad ng Barangay 4, maaga pa lamang ay inilikas na nila ang mga residenteng malapit sa Calumpang river dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig sa nabanggit na ilog.

“Naalarma po kami dahil sa taas ng tubig na napasabay pa sa hightide kaya’t nagdesisyon na po ang aming Pangulo na ilikas na ang mga nakatira malapit dito,” sabi ni Baja.

Ilang kabahayan naman sa Sitio Gitna sa barangay San Isidro ang na-washed out dahil sa pag-apaw ng Takad River. Umabot ng halos lampas tao ang tubig dito kung kaya’t agad nagasagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ang Coast Guard.

Bukod sa dalawang paaralan, mayroon ding mga evacuation centers sa barangay Bolbok, Paharang, Tabangao at Cuta.

Ayon sa CSWDO, hinihintay pa nila ang rapid damage assessment report upang malaman kung ilan ang kabuuang bilang ng mga evacuees sa mga evacuation centers.| – Ulat mula sa PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -