27.3 C
Batangas

3rd Termer Ambida, nakuha muli ang pagiging Senior Board Member ng Batangas

Must read

- Advertisement -

SA ikalawang pagkakataon, muling nakuha ni incumbent Senior Board Member Ma. Claudette U. Ambida ang pinakamataas na antas ng boto para sa mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan sa katatapos na May 9, 2022 National and Local Elections, dahilan upang manatili siyang Senior Board Member ng lalawigan.

“Una’y sa Panginoong Diyos, at ikalawa po ay sa aking mga kababayan, ang aking lubos na pasasalamat sa panibagong mandato na ibinigay sa akin. Hindi ko po sasayangin ang pagtitiwalang ibinigay ninyo sa akin sa aking ikatlo at huling termino bilang inyong board member,” pahayag ni Ambida sa panayam ng BALIKAS News matapos maiproklama pasado alas-nueve ng gabi noong Martes, Mayo 10.

“Tanging hiling ko lamang po ay ang mabigyan ng bagong mandato para sa aking ikatlong termino, ngunit ang mabigyan po ng napakataas na boto at kung ito ang dahilan para manatili sa pagiging senior board member, talagang lubos-lubos po ang aking pasasalamat sa buhos ng tiwalang ibinigay ninyo sa akin,” dagdag pa ng opisyal.

Matapos ang consolidation ng mga botong nai-transmit sa Provincial Board of Canvassers, naitala ni Ambida ang kabuuang 128,641 boto o katumbas ng 58.2% ng kabuuang 220,199 rehistradong botante sa Ikalimang Distrito ng Batangas.

Gaano kahalaga ang maging Senior Board Member?

Kapag ang Bise Gobernador na siyang regular na tagapangulo (presiding officer) ng Sangguniang Panlalawigan ay hindi nakakaganap para pamunuan ang sesyon ng Sanggunian, ang Senior Board Member [na siya ring tumatayong Majority Floor Leader] ang siyang gumaganap na tagapangulo ng sesyon. Nangyayari ito kapag ang Bise Gobernador ay gumaganap na gobernador (acting governor), may sakit, suspendido, o kaya ay on official leave o dili kaya ay on official business.

Kapag nabakante ang posisyon ng bise gobernador bunga ng pagkamatay, pagkatanggal sa pwesto, o magresign, ang Senior Board Member ang otomatikong mailuluklok sa pwesto ng bise gobernador.

Paano malalaman kung sino ang Senior Board Member?

Alinsunod sa itinatadhana ng Title II, Section 44 ng Local Government Code, “… ranking in the sanggunian shall be determined on the basis of the proportion of votes obtained by each winning candidate to the total number of registered voters in each district in the immediately preceding local election.”

Sa 12 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagwagi sa katatapos na eleksyon, si Ambida ang nakakuha ng pinaka-mataas na bahagdan ng boto in proportion against sa bilang ng rehistradong botante sa kaniyang distrito.

RankName of Winning Candidates# of Voters# of Votes%
01Ambida-Alday, Ma. Claudette U.22019912864158.2
02Blanco, Arthur22019912618557.3
03Lopez, Lydio22258912604956.63
04Gozos, Jonas Patrick30797315493950.31
05Mendoza, Aries Emmanuel22258910431846.87
06Bantugon-Magboo, Arlina1964979073846.18
07Rivera, Wilson1964978341242.45
08Rosales, Roman Junjun39378615881940.33
09De Veyra, Jesus H.30797312142339.27
10Corona, Alfredo47802717879737.4
11Balba, Rodolfo47802716234633.96
12Bausas, Armie39378611744129.82

Pumangalawa kay Ambida ang kaniyang katambal sa Ikalimang Distrito na si Board Member Arthur G. Blanco na nakakuha ng 126,185 boto o 57.3% ng kabuuang rehistradong botante ng Batangas City Lone District.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -