29 C
Batangas

400 Batangueñong mag-aaral, nakibahagi sa Free UPCAT Review

Must read

- Advertisement -

By BHABY P. DE CASTRO

LUNGSOD NG BATANGAS – MAY 400 Batangueñong mag-aaral na nasa Grade 12 mula sa iba’t ibang senior high schools sa lalawigan ng Batangas ang nakibahagi sa isinagawang Free UPCAT Review sa Provincial Cooperative Livelihood Enterprises and Development Office (PCLEDO) building noong ika-1 ng Setyembre.

Ang libreng review ay inisyatibo ng Sangguniang Kabataan Council ng Brgy. Sampaga sa lungsod na ito sa pangunguna ng SK Chairperson na si Clark Banaag sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas at Upsilon Sigma Phi.

Ayon kay Banaag, hindi lamang UPCAT review ang sakop ng proyektong ito kundi maging ang mga pagsusulit sa Department of Science and Technology, Commission on Higher Education at iba pang college at qualifying examinations.

“Hindi lamang po makikilala ang SK sa pagsasagawa ng mga liga at pageants dahil may maiko-contribute na din itong isang mahalagang bagay sa mga kabataang Batangueño. Bagama’t 300 lamang po ang target namin na mabigyan ng review ay patuloy kaming tumatanggap ng mga walk-in dahil malaking tulong ito para sa mga kabataan. Hindi lamang po ito ang aming balak dahil plano din naming magsagawa ng libreng Civil Service Examination review at hindi lamang mga kabataan ang maaaring makinabang dito kundi maging ang ibang mga Batangueño na naghahangad makapasa sa pagsusulit ng CSC”, ani Banaag

Sa panayam kay Lael Anillo, isang Grade 12 student mula sa Lyceum of the Phils. University (LPU)-Batangas, nakita nila ang nabanggit na review sa facebook kung kaya’t agad ay hinimok siya ng kanyang ina na makibahagi dito dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang hangad na makapasok sa anumang sangay ng University of the Phils. (UP).

Ang review ay dalawang magkasunod na linggong isasagawa, Setyembre 1 at 8 kung saan magiging bahagi nito ang Mathematics, Science, Languange Proficiency at Reading Comprehension kung saan magkakaroon ng pre at post test ang mga reviewees upang malaman kung nadagdagan ang kanilang kaalaman sa mga nabanggit na paksa.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Citing the importance of DRRM workers to the country, Senator Loren Legarda filed Senate Bill No. 2927, or the Magna Carta for Public Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Workers. Legarda said it is important for the bill to be...
Congress triples budget for activation of thousands of new, password-free public Wi-Fi hotspots Congress has tripled the funding for the Free Wi-Fi for All Program to P7.5 billion, with the goal of eventually increasing to 50,000 the number of public...
SABLAYAN, Mindoro Occidental — Municipality of Sablayan made a declaration to transition its electric power source to clean, green renewables—an effort to help drive the tripling target of global renewables in 2030. The memorandum of understanding (MOU) was signed today,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -