30 C
Batangas

4,500 Batangueño coop members, nakiisa sa Coop Month Celebration 2018

Must read

- Advertisement -

In photo: 1 Strong Cooperative Movement sa Rich Batangas.  Kaharap ang libu-libong mga Batangueño cooperative members, binigyang pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas ang pagdalo ni Senator Nancy Binay sa culminating activity ng Cooperative Month Celebration 2018 sa Batangas Province na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City, Oktubre 27, sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng Balisong Batangas, isa sa mga kilalang Batangueño cultural icons.  Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Officer Celia Atienza at AGAP Party-list Congressman Rico Geron.|Macc Ocampo

By VINCE ALTAR

NASA 4,500 mga miyembro mula sa higit dalawang-daang mga kooperatiba buhat sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas ang nakiisa at nakisaya sa culminating activity para sa Cooperative Month Celebration 2018, sa pangunguna ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Naging tampok na gawain sa pagtitipong pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paglulunsad ng “Batangas: 1 Strong Cooperative Movement” para sa patuloy na pagsulong ng mga kooperatiba bilang katuwang ng mga miyembro nito sa pagbuo ng matatag na mga komunidad.

Pinuri at ipinagmalaki ni Gov. Dodo Mandanas ang patuloy na paglakas at paglaki ng mga kooperatiba sa lalawigan.  Binigyang-diin din niya ang suporta at pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan para sa tuloy-tuloy na pagsulong ng mga kooperatiba, lalo na ang mga nagsisimula pa lamang, sa pamamagitan ng PCLEDO, na pinamumunuan ni Ms. Celia Atienza, ang kasalukuyang pangulo ng League of Cooperative Development Officers of the Philippines.

Para sa taong 2018, ang Batangas Capitol, sa pamamagitan ng PCLEDO, ay nakapagpondo ng 167 na mga cooperative projects na nagkakahalaga ng P10 Milyon; nakapaglabas ng loan assistance sa 28 mga kooperatiba na umabot sa halos P13 Milyon; at nakapagbigay ng ayudang umabot sa halos P4 Milyon sa mga kooperatibang nagkaroon ng annual assemblies.

Bilang tulong at suporta sa mga kooperatibang Batangueño, nakalaan ang P15 Milyon para sa regular fund assistance; P100 Milyon para sa Credit Surety Fund mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas; P50 Milyon para sa Enterprise Development for Cooperatives mula sa Philippine Rural Development Program; at P4 Milyon para sa 2019 General Assistance.

Dumalo rin sa taunang selebrasyon ng mga kooperatiba sina AGAP Partylist Congressman Rico Geron, Cooperative Development Authority Administrators Benjie Oliva at Abad Santos, Philippine Cooperative Center Chairperson Garibaldo Leonardo, 6th District Senior Board Member Wheng Sombrano Africa, Atty. Gina Reyes – Mandanas, dating Spokesperson Atty. Harry Roque at Senator Nancy Binay.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -