By RICHARD VELASCO
PUERTO PRINCESA City — NITONG Biyernes, Agosto 7, ay nagsagawa ng isang press briefing ang City Information Office rito at tinalakay ang limang kaso ng Covid-19 na naitala sa lalawigan. Isa sa limang nag positive sa sakit na ito ay symptomatic o yung my mga sintomas ng naturang sakit samantalang ang apat naman na naitala ay asymptomatic o yung walang nararamdaman na anumang sintomas ng naturang sakit.
Isa sa mga ito ay 30 year old female, Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating nung August 1, ang pasyenteng ito ay ang nasabing symptomatic.
Sina Patient 2, Patient 3 at Patient 4 ay pawang mga Locally Stranded Individual (LSI). Si Patient 2 ay isang 25-taong gulang na babae dumating via plane noong July 27. SI Patient 3 naman ay isang 68-anyos na lalaki na dumating nung July 31 at siya ay asymptomatic.
Samantala, noong Agosto 3 naman ay dumating si Patient 4 na isang 17-taong gulang na babae. Noon din dumating si Patient 5, isang taong gulang na babae at ang pinakabatang naitalang pasyente sa lungsod.
Ayon kay Doc. Dean Palanca, may 17 active cases, 20 recover 1 dead totally 38 cases na sa buong Lalawigan ng Palawan. Patuloy namang minomonitor ang mga Covid patients, dagdag pa niya.|-BNN/TMN