25 C
Batangas

53 Batangueño pasok sa prelims ng WCOPA Phils. auditions

Must read

- Advertisement -

LUNGSOD NG LIPA, Batangas – MAY 53 Batangueño sa 90 sumai-lalim sa WCOPA o World Championship of Performing Arts ang pumasa sa auditions nito na isinagawa sa SM City Lipa, Set. 30.

LOCAL talents show their best as they join the World Championship of Performing Arts (WCOPA) audition at SM City Lipa, September 30. A total of 53 participants from 90 aspirants made it and were picked for the next level. Expectant supporters jampacked the mall’s event center to throw their support to their aspiring colleagues.|

Ayon kay Gerry Mercado, National Director WCOPA Phils., isa lamang ito sa mga audition sites na isinasagawa nila at umiikot sila sa buong bansa upang humanap ng mga local talents na maaaring makipagtagisan ng galing sa larangan ng singing, dancing, instrumentalist, variety artists, modeling at actors.

“Ang WCOPA ay itinuturing na talent Olympics kung saan nakiki-pagtagisan ng galing sa anim na larangan upang makuha ang gold, silver at bronze awards. Mahigit 64 na bansa at may apat na age groups sa junior mula 5 years old pataas at apat na age groups din sa senior 16 years old pataas ang maaaring salihan.
Bagama’t ito ay kumpetisyon mas itinuturing itong festival of talents at oportunidad upang mas mapahusay ang kanilang talento kung saan simula 2005 ay nakikibahagi na ang Pilipinas dito.

Taun-taon ay nadaragdagan ang mga kalahok dito kung saan noong nakaraang Hulyo ng taong ito ay may 106 kalahok ang Pilipinas”, ani Mercado.

Nagkakaroon din ng Bootcamps para sa mga kalahok mula sa Pilipinas kung saan itinuturo dito ang professionalism at disiplina upang mas mapahusay ang kanilang talento.

Aniya pa, ang karamihan sa mga nakikibahagi sa WCOPA ay karaniwang may nakukuhang oportunidad mula sa malalaking kumpanya tulad ng Nickelodeon, Disney at iba pa.

Sinabi ni Mercado na isa sa binibigyang konsiderasyon sa pagiging performer ang pagkakaroon ng tamang ekspresyon na makakakuha ng atensyon ng manonood. Bukod pa dito, itinuturo ng WCOPA sa lahat ng mga performers nito ang pagiging mapagpakumbaba, pursigido at pasasalamat.| Bhaby de Castro

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
THE fans and critics have spoken. “AIR” is a real winner.  “AIR,” directed by Ben Affleck and featuring a star-studded cast led by Matt Damon, closed out the South by Southwest Festival to a wild standing ovation and rave reviews...
By JOENALD MEDINA RAYOS MOTORISTS and commuters plying the Balagtas-Bolbok Diversion Road in Batangas City who are always caught in heavy traffic especially during rush hours may find solace in the near future as the Depart-ment of Public Works and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -