BATANGAS City – UMARANGKADA na sa pangunguna nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino ang Magkatuwang Tayo Mobile Kitchen sa barangay Sta Clara, May 13.
Layunin ng nasabing proyekto ng pamahalaang lungsod na makapagbigay ng ayuda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng hot meals sa mga higit na nangangailangang mamamayan ng lungsod.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na syang katuwang ng barangay sa pagpili ng beneficiaries, may 500 pamilyang Batangueรฑo na binubuo ng humigit kumulang sa 2000 indibidwal ang nakinabang dito. Nagpatupad ng color coding scheme para sa maayos na pamamahagi ng pagkain.
Ang MT mobile kitchen ay pinangasiwaan ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS). Ito ay kumpleto sa kagamitan tulad ng stainless kitchen at heavy duty stoves para sa epektibong paghahatid ng hot meals sa mga target beneficiaries nito.
Ang mobile community kitchen ay isasagawa tuwing Huwebes. Sunod na bibistahin nito ang barangay Cuta, Wawa at Malitam.
Siniguro ng mga tauhan ng Batangas City PNP, BFP, EBDMT Monitoring Team at Task Force na maayos na naipatupad ang health at safety protocols kontra COVID-19 para sa kaligtasan ng lahat.|(PIO Batangas City)