29.5 C
Batangas

5th Batangan Pride March 2019, umarangkada sa San Pascual

Must read

- Advertisement -

NAGING makulay, masigla at puno ng kasiyahan nang umarangkada ang 5th Batangan Pride March, na bahagi ng pagdiriwang ng LGBT Month, noong ika-14 ng Hunyo 2019 sa Municipal Gymnasium ng Bayan ng San Pascual.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Pro-vincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial LGBT Alliance of Batangas (PLAB), Municipal Government of San Pascual, at San Pascual LGBT Association.

Mahigit isang libong LGBT members mula sa 31 na munisipalidad at 3 lungsod ng Batangas ang lumahok sa mga tampok na gawain sa nasabing pagtitipon, tulad ng street dance, parada kasama ang kanilang mga muses, Local Festival Costume, Amazing Gay/Lesbian, PLAB Got Talent, June Bridal Hair & Make-Up at Best and Most Organized Delegates.

Personal na nakisaya sa pagtitipon si San Pascual Mayor Roanna Conti, na bilang Pride March host ay naging bahagi din ng parada sakay sa karosa, kasama sina PSWDO Department Head Jocelyn Montalbo, PSWD Assistant Department Head Flor Lachica, at mga opisyal ng iba’t ibang LGBT associations sa lalawigan.

Tinanghal namang 2019 Over-All Champion sa mga patimpalak ang delegasyon ng Munisipalidad ng Lemery.| Jun –Jun De Chavez

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you comment," they insist. At first glance, staying silent seems wise, but beneath it lurks dangerous...
From Apple Original Films and the filmmakers from "Top Gun: Maverick" comes the high-octane, action-packed feature film F1®, starring Brad Pitt and directed by Joseph Kosinski. The film is produced by Jerry Bruckheimer, Kosinski, famed Formula 1® driver Lewis...
Scientists from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) have pioneered a simpler, faster, cheaper, and more eco-friendly method to fabricate gold nanocorals by using natural, low-cost acids in water at room temperature. Gold nanostructures have...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -