Kaso sa Batangas Province, 13 na ayon sa DOH-4A
By BNN News Team
BATANGAS City – MULING nadagdagan ang kumpirmadong nagpositibo s COVID-19 sa Lalawigan ng Batangas matapos iulat ng City Health Office (CHO) sa lungsod na ito na isang 71-anyos na lolo ang pang-5 kinapitan ng naturang sakit.
Wala umanong travel history sa labas ng bansa ang pasyente ngunit bumiyahe sa Kalakhang Maynila kung saan ipinalalagay na maaaring siyang lugar lugar kung saan nakuha ng pasyente ang corona virus. Nakaratay man sa isang ospital sa Maynila ang pasyente, isinasaga na ang contact tracing sa pamilya ay komunidad ng pasyente.
Sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19, ipinag utos ni Mayor Beverley Dimacuha ang mas maigting na implementasyon ng enhanced community quarantine procedures at infection control measures sa lungsod.
Malawakan ang ginagawang disinfection ng City ENRO sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke, city hall, mga pangunahing lansangan, ospital, business establishments, at mga barangay.
Samantala ay tiniyak pa ng pununglungsod na tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan. Hinihiling din niya ang patuoy na panalangin para sa mga healthcare workers, frontliners at lungsod ng Batangas.
Sa mga naunang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa Batangas City, isa rito ang nakarekober na samantalang isa rin ang namatay. Sila ang magkapatid na PH49 (BC-1) at PH52 (BC-2); samantalang sina BC-3 at BC-4 ay kapwa nasa mga ospital pa rin sa Maynila.
Sa datos ng DOH-CALABARZON, umabot na sa anim ang kumpirmadong positibo sa Batangas City, kung kaya may isa pang positibo na hindi pa nakukumpirma ng CHO.
Ayon pa sa DOH4A, 13 na ang nagpositibo sa Lalawigan ng Batangas – 6 sa Batangas City (BC), 2 sa Nasugbu (N), at tig-iisa sa Lemery (L), Lipa City (LC), Tanauan City (TC) at Sto. Tomas City (STC). May isa pang kaso na for validation. Hindi naman pa kinumpirma kung ito ang unang naiulat ng bayan ng Lian na sinasabing permanent resident ng Batangas City ngunit kasalukuyang naninirahan sa Lian. Sa Tala ng Batangas PHO, nakatala na ito sa bilang Lian Patient 1 (Ln-1).
Sa mga nabanggit, tanging si Tanauan City Patient 1 (TC-1) lamang ang naka-confine sa Lalaiwgan ng Batangas at ang 12 iba pa ay pawing nasa Kalakhang Maynila; samantalang si Lemery Patien 1 (L-1), nakatala sa DOH bilang PH95 ay inulat na nakarekober na rin at nakalabas na ng ospital noong Martes.
Sa datos ng Provincial Healt Office (PHO), nananatili sa 11 ang kumpirmadong kaso. Ang pagkakaiba umano sa bilang ng iniuulat ng PHO ay nakasalalay lamang sa mga natatanggap na dokumento ng PHO o katibayan ng resulta mula sa Research Instiottue for Tropical Medicine (RITM).|- BALIKAS News Network