26.7 C
Batangas

6 recipients ng DOE e-trikes lumagda sa MOA

Must read

- Advertisement -

By MARIE V. LUALHATI

BATANGAS City — LUMAGDA sa Memorandum of Agreement sina Mayor Beverley Dimacuha at ang 16 na recipients/beneficiaries ng DOE E-trikes Project, November 4, sa City Mayor’s Office (CMO) bilang bahagi ng  partnership livelihood project ng Department of Energy (DOE) at ng Batangas City Government.

Sila ang unang batch ng recipients na nag-qualify sa mga itinakdang guidelines ng DOE, batay sa pagsusuring isinagawa ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO). Ilan sa mga requirements ng DOE ay ang pagiging lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), walang anumang police record, o pending traffic violation record, may garahe at may kakayanang magmantine ng e-trikes.

Nakasaad sa MOA na ang mga recipients ay magbibigay ng P150.00 daily contribution sa pamahalaang lungsod sa loob ng limang taon para maging pag-aari nila ang sasakyan. Pumapatak lamang sa halagang P400,000.00 plus ang isang unit kumpara sa P600,000.00 plus kung bibilhin ang sasakyan sa mga dealer nito sa merkado.

Sa ginawang computation ng halagang babayaran, anim na araw lamang sa isang linggo  ang  babayaran upang maging magaan ito sa recipient.  Sa ngayon, ang city government muna ang magmamantine ng e-trikes kung saan may mga trained city government employees na gagawa at magkukumpuni sakaling masira ang unit. May sadya ring maayos na charging stations sa warehouse ng city government at maglalagay rin sa ilang accessible areas.

Ayon sa recipient na si Myrna Panaligan, napakagandang pribilehiyo para sa kanila na makasama sa proyektong ito. “Napakagaan ng terms and conditions, para lang sa condo na rent-to-own, kapareho din sa boundary pero hindi naman magiging iyo ang unit,” paliwanag niya.

Kabilang sa mga beneficiaries ang mga drivers na bumibyaheng SM Batangas City patungong sa mga karatig barangay, at mga may rutang G-1 at G-2.

Inaasahang maipagkakaloob ang mga e-trikes sa susunod na linggo matapos iproseso ang MOA at iba pang dokumento at pagkatapos na muling isagawa ang orientation/briefing ng mga beneficiaries.|- BNN/pio

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
BALAYAN, Batangas – WHEN a political leader finished his or her term and the spouse is elected to the position vacated, continuity of services, in some rare cases cannot be underestimated. This is the scenario in western part of Batangas,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -