29 C
Batangas

7 punongbarangay, inihabla dahil sa paglahok sa partisan political activities

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

SAN JOSE, Batangas – MASASAMPOLAN ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pitong (7) punongbarangay ng bayan ng San Jose, lalawigan ng Batangas matapos pormal na ipagharap ng magkakahiwalay na habla kaugnay ng umano’y pakikisangkot ng mga ito sa partisan political activities.

Sa magkakahiwalay na Hablang Salaysay na isinumite sa DILG CALABARZON noong Biyernes, Mayo 3, inibla ng isang residenteng nagngangalang Constantino M. Briones sina (1) Punongbarangay Alvero M. Briones ng Brgy. Lapulapu I; (2) Narciso A. Lagaya ng Brgy. Tugtog; (3) Aldrin M. Comia ng Brgy. Natunuan; (4) Marino M. Larisma ng Brgy. Bigain South; (5) Ronald M. Perez ng Lepote; (6) Norito C. Rondero ng Brgy. Calansayan at (7) Rony L. Lagaya ng Brgy. Sabang – dahil umano sa kapuna-punang bukas at aktibong partisipasyon ng mga nabanggit na halal na opisyal bilang suporta sa kanidatong kanilang personal na ineendorso.

Sinabi pa ng naghahablang si Briones na sa magkakahiwalay na pagkakataon – Marso 29 sa Lalayat, Abril 12 sa Tugtug, Abril 25 sa Pinagtung-Ulan, at Abril 26 sa Natunuan – ay personal pang pumwesto sa entablado ang mga naturang punongbarangay at kasama ng mga sinusuportahang kandidato sa mga isinagawang Meeting De Avance sa mga nabanggit na lugar at petsa.

Batay sa Joint Memorandum Circular na ipinalabas ng Commission on Election (COMELEC) at ng DILG, mahigpit na pinagbabawalan ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na makilahok sa anumang aktibididad na may kinalaman sa halalan sa Mayo 13, 2019, lalo’t higit pa ay ang pag-eendorso ng kandidato o makisama sa mga partisan political activities.

Malinaw aniya sa mga larawang isinumite niya sa DILG na tahasang nilabag ng mga nabanggit na punongbarangay ang direktiba ng DILG at COMELEC. Dahil dito, umaasa si Briones na kagyat na aaksyunan ng mga nabanggit na ahensya ang kaniyang habla upang huwag ng pamarisan ng iba pang lokal na opisyal ng barangay at maging patas ang darating na halalan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -