By JOENALD MEDINA RAYOS

PATULOY ang panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga residente ng CALABARZON (Cavite. Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na lalong maging maingat at huwag balewalain ang mga paalaala na iwasang magtampisaw sa mga tubig-baha, lalo ana ang mga bata, upang maiwasan ang sakit na leptospirosis.

Ito’y matapos maiulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) na pumalo na sa 75 kaso ng leptospirosis ang naitala sa buoang rehiyon ng CALABARZON mula Enero 1 hanggang Agosto 17 ngayong taon. Bagaman at ito ay 62% mas mababa sa naitala sa kattulad na panahon noong 2018 na nakapagtala ng 199 kaso, umabot na sa 12 ang naitalang namatay dahil sa sakit na ito.

Ang lalawigan ng Rizal ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 34 na kaso at pito (7) na ang namatay; sinundan ng Cavite na may 18 kaso, dalawa ang namatay; pangatlo ang Laguna – 14 kaso, isang namatay; at pang-apat ang batangas – 9 kaso, dalawa (2) rito ay namatay. Tanging ang lalawigan ng Quezon lamang ang lalawigang walang naitalang kaso ng leptospirosis.

Kabilang naman sa nangungunang limang (5) lungsod at bayan ang ay ang Lungsod ng Antipolo, bayan ng Rodriguez at San Mateo, pawang sa Rizal; Biñan sa Laguna at Dasmariñas sa Cavite.

 “If we have no business to go outside our homes, it is best to stay inside and be safe. Hindi tayo nakakasiguro na ang dadaanan natin ay hindi baha at laong hindi tayo nakakasiguro na malinis ang tubig nito dahil sa mga basurang nakakalat sa paligid. Mas makabubuti ng umiwas at kung lalabas naman makabubuting magsuot ng bota at siguraduhin na walang sugat o anumang gasgas ang ating paa o binti dahil dito maaaring makapasok ang bacteria na nagdudulot ng leptospirosis”, pahayag ni Regional Director Eduardo C. Janairo.

Aniya pa, “Kailangan din nating uminon ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig upang makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis.”

Naisasalin ang sakit na leptospirosis sa pamamagitan ng mga sugat o galos sa balat na kadalasan ay nangyayari sa paglakad sa mga putikan, palayan, tubuhan o sa mga baha na kontaminado ng ihi ng daga.

Dahil ang leptospirosis ay nakamamatay, idinagdag pa ni Janairo na, “Magpakunsulta agad sa pinakamalapit na health center kung kayo ay nakararanas ng lagnat, panginginig ng katawan o “chills”, pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at nahihirapang umihi lao na kung kayo ay sumulong sa baha o sa tubig upang masiguro natin ang ating kaligtasan.”

Kabilang sa mga apektado ng nabanggit na 75 kaso sa Calabarzon ay may edad isang taon hanggang 72 anyos. Karamihan din sa mga kasong ito sa kalalakihan, kung saan ay 13 sa mga ito ay may edad 11-20 anyos.|Balikas News Network

Facebook Comments