30 C
Batangas

8 katao kabilang ang 3 kapitan, dawit sa pagpatay sa ABC President

Must read

- Advertisement -

By EDGAR RODELAS

LIPA City – WALONG (8) katao ang kasalukuyang suspek sa pagpatay sa Association of Barangay Councils (ABC) President Marlon Luansing ng lunsod na ito matapos sumailalim sa inquest proceedings ang dalawa (2) sa itinuturong gun men sa krimen noong Disyembre 28 ng gabi.

Bukod sa mag-amang gunmen, anim (6) na katao pa ang kanilang pinangalanan at kabilang dito ang tatlong nakaupong punong barangay sa lungsod.

Matatandaang pinagbabaril ng dalawang lalaki si Luansing  sa bisinidad ng Lipa City Cockpit Arena at binawian ito ng buhay habang niallapatan ng lunas sa ospital. Nagkataon namang may rumorondang pulis na tinamaan din ng bala, ngunit nagawa pa nitong gantihan ang suspek na bagaman at nakatakas ay tinamaan din ng bala.

Di kalaunan, nahuli ang mga ito sa isang ospital sa bayan ng Silang, Cavite, na bukod sa kanilang pag-amin ay positibo ring kinilala ng isang nakasaksi sa krimen.

Kasalukuyang nakapiit sa Lipa City Custodial Facility ang isa sa mga suspek, samantalang nagpapagaling naman ang anak nito sa Batangas Medical Center. Patuloy namang nakalalaya ang anim na iba pang suspek, kabilang ang tatlong punong barangay.

Patuloy pa rin naman ang paggulong ng imbestigasyon sa naturang kaso at maging ang kinaroroonan ng mga suspek.

Samantala, pinarangalan naman ni Police Regional Office 4-A (Calabarzon) director Police Chief Superintendent Edward Caranza si Police Office 3 Ronald Villegas g Medalya ng Sugatang Magiting Award dahil sa ipinakita niyang tapang na maatapos na matamaan ng bala ay nagawa pa niyang makaganti at mapatamaan din ang dalang pangunahing suspek na nagging daan ng kanilang pagka-aresto.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Even while undergoing cancer treatment  (he goes to Singapore for chemotherapy every two weeks), Ginebra Gin Kings stalwart LA Tenorio remains active in worthy projects outside of basketball. Just recently, he helmed the pilot episode of San Miguel Corporation’s (SMC) newest...
AS part of its environmental sustainability initiatives, Aboitiz Construction recently partnered with National Power Corporation (NAPOCOR) to adopt a 1.6-hectare tree planting site in the Makiling-Banahaw Geothermal reservation area for three years.  Under NAPOCOR’s Energy Sector Carbon Sequestration Initiative, private...
LIPA City – House Deputy Speaker and Batangas (6th District) Rep. Ralph Recto on Friday urged the Senate to pass the House-approved measure allowing persons with disabilities (PWDs) to vote early during elections in order to provide PWDs an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -