27.3 C
Batangas

9 na Lugar sa Batangas Province, Nagpositibo sa Arsenic

Must read

- Advertisement -

NAGPOSITIBO sa arsenic ang tubig sa siyam na lugar sa Lalawigan ng Batangas, batay sa datos na ibinahagi ng Provincial Inter-Agency Task Force on Arsenic – Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council meeting sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong June 2, 2022.

Sa ulat ni Dr. Rhodora Reyes, Batangas Medical Center Toxicology Center chief, at tumatayo ring head ng Provincial IATF on Arsenic-TVPL, ang arsenic ay isang kemikal na carcinogenic o maaaring magdulot ng cancer, masamang epekto sa balat ng tao at sa mga sanggol na hindi pa isinisilang. Nakapapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng paglunok o pag-inom ng kontaminadong tubig.

Naunang napansin ang presensya ng arsenic sa mga balon ng tubig matapos pumutok ang Bulkang Taal noong January 12, 2020. Kabilang sa mga lugar na may mataas na lebel ng arsenic ay matatagpuan sa mga bayan ng Laurel, Balete, San Nicolas, Mataas na Kahoy, Alitagtag, Sta. Teresita, Lemery, Taal at lungsod ng Tanauan.

Ang lebel ng arsenic sa mga nabangit na bayan ay mas mataas sa standard o normal level, na 10 parts per billion (pbb).Patuloy naman ang monitoring sa lebel ng arsenic sa mga bayan na nakapaligid dito.

Bilang tugon dito, naglaan ang Batangas PDRRMO ng ₱3.5 Milyon mula sa kanilang trust fund para makatulong sa isinasagawang mga water tests.|-GME

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

“Ang West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas,” President Marcos said in his third State of the Nation Address...
THE convenors of the 1st Philippine Media Safety Summit called on President Ferdinand Marcos Jr. to take concrete steps to support a critical press, which he said “best serves national interest.” As he delivers his third State of the Nation...
By Dr. Herman M. Lagon The day my daughter, Psyche Mae, first left for Arizona last year, the tug of letting go felt like a monumental struggle. At 28, she was full of dreams and aspirations, ready to teach and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -