27.2 C
Batangas

9 na opisyal ng barangay sa CALABARZON nasa ‘narco list’ ng PDEA; 6 mula sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By EDGAR RODELAS

SIYAM (9) sa kabuuang 207 mga opisyal ng barangay na may kaugnayan sa illegal drug trade ay mula sa CALABARZON Region, at anim (6) rito ay mula sa Lalawigan ng Batangas, batay sa talaang isinapubliko ng pamahalaan nitong Lunes ng umaga.

Saktong dalawang (2) linggo na lamang ang nalalabi bago sumapit ang Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14,ย  inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng nasabing 207 mga opisyal ng barangay na iniuugnay sa illegal drug trade.

AKUSASYON. Ilpinaliliwanag ni PDEA Chief Aaron Aquino na mananatiling akusasyon ang pagkakasama sa narco list ng mga punumbarangaya t kagawad na hinihinalang nasa illegal drug trade hangga’t hindi napatutunayan sa husgado.|PDEA Photo

Pahayag ni PDEA Director Aaron Aquino, ang pagsasapubliko ng naturang talaan ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya pa, ang sinasabing “narco list” ay narebisa na ng apat (4) na law enforcement agencies sa bansa.

Idinagdag pa ni Aquino na nakahandang magsampa ng kaso ang PDEA laban sa mga naturang opisyal na kinabibilangan ng 90 punumbarangay at 117 kagawad. Ngunit binigyang linaw din ng opisyal na hangga’t di napatutunayan ng husgado, mananatiling akusasyon lamang ang pagkakasama sa mga ito sa talaan.

Ang mga nakasama umano sa talaan ay maaaring tulak, gumagamit o protektor ng iligal na droga.

Karamihan sa mga kabilang sa talaan ay mula sa Bicol Region.

Samantala, may natitira pa umanong 274 na iba pang opisyal ng barangay na patuloy na bineberipika ng PDEA ang pagkakasangkot sa iligal na droga, ayon kay Aquino. Nakatakda rin umanong ihayag ito ng PDEA kapag nakumpirma na ang kanilang kaugnayan.

Sa Batangas, ang tatlong (3) punumbarangay at tatlong (3) kagawad ang nasa narco list โ€“ na kinabibilangan ni Punumbarangay Dave C. Garcia ng Brgy. San Vicente, bayan ng Sto. Tomas; at nina Punumbarangay Guillermo โ€œKap Barokโ€ Endrinal y Agojo ng Brgy. Cale at Punumbarangay Ramil V. Mercado ng Brgy. Altura Bata, kapwa sa Lunsod ng Tanauan; Kagawad Luis โ€œWewetโ€ Rivera ng Alangilan, Lunsod Batangas; Kagawad Alfredo Sales y Baustista ng Dalma, bayan ng Tuy; at Kagawad Lauro Vicencio y Dimapilis ng Brgy. Pantay Matanda sa Lunsod ng Tanauan.

Ang tatlo (3) pang ibang punumbarangay sa CALABARZON na kabilang sa talaan ay mula sa mga lalawigan ng Cavite (2) at Rizal (1); samantalang walang ibang kagawad sa ibang lalawigan sa Calabarzon ang kabilang sa talaan, maliban sa tatlong taga-Batangas.| – May balita ni Joenald Medina Rayos / #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Hyperbole, by its nature, amplifies our expressions, making the mundane magnificent and the simple, spectacular. Hereโ€™s one for the books. Imagine a fiesta in Iloilo, where the atmosphere is "charged with excitement thicker than a bibingka's sweet coconut topping." The...
The government is lumping up relief packages needed by local government units (LGUs) affected by Typhoon Carina and the southwest monsoon (Habagat). President Marcos revealed this during an ocular inspection in Malabon City on Thursday. Earlier in the day, the Chief...
A Philippine-flagged Motor Tanker (MT) Terra Nova capsized and eventually submerged at 3.6 nautical miles east off Lamao Point, Limay, Bataan, at around 1:10AM today, 25 July 2024, the Philippine Coastt Guard reported. PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -