MAGULO, siksikan, singitan, at walang sistema . Ganito inilarawan ng isang netizen at ng iba pang nakapuna sa isinasagawang on-going SK registration sa Waltermart, Calicanto, Batangas City.
Ngunit sino ang dapat kumilos, o hindi naging handa para rito?
Mula pa noong makatapos ng May 2025 national and local elections, alam ng lahat na ng susunod naman ay ang paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 1, 2025, [sapagkata wala pa namang pinal na desisyon kung magkakaroon ng postponement ito]. Ilang buwan na ang nakalilipas, sinabi na ng Commission on Elections na magkakaroon ng schedule ng voters registration para rito; at noong July 9, 2025 ay pinagtibay ng Comelec ang Resolution No. 11155 na nagtatakda ng voters registration mula August 1 to 10, 2025.
Kung gaanong kaabala sa pagpapapogi ang mga barangay officials (Sangguniang Pambarangay at Sangguniang Kabataan) upang sila ay muling iboto sa darating na halalang pambarangay at pang-SK, dapat naman sana ay ganoon din sila nagpaka-abala sa pagpapaalala sa kanilang mga kabarangay na may darating na voters registration ng August 1 to 10, 2025.

Gayundin naman, ang Comelec mismo, ay dapat nanging ganap ang paghahanda para rito. Lalo na sa malalaking lungsod gaya ng Batangas City. Hindi naman tam ana ang sisisihin dito ay ang pamahalaang lungsod dahil hindi naman saklaw ng LGU ang gawaing ito ng voters registration.
Alam mismo ng Comelec na napaka-ikli lamang ng panahon na inbilaan para sa voters registration, disinsana ay nagkasa na kaagad sila ng maayos na proseso ng rehistruhan, gaya ng pagtatakda ng sapat na oras, lugar na pagdarausan ng registration at pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan at maging sa pribadong sektor kung kinakailangan. Alam naman nila kung gaano kalaki ang populasyon ng lungsod, sana’y naghanda sila ng maayos na Sistema – pwede namang dagdagan sana ang lugar kung saan pwede magparehistro, o sa mas malalaking lugar kaga ng Coliseum, at may tuwirang ugnayan s aibang ahensya para naasistehan sila sa proseso gya ng pagtanggap ng mga applicants for registration, pagpapapila, komunikasyon at iba pa. Maaaring naghanda ngunit hindi naging sapat at kulang na kulang.
At higit sa lahat, ang may pinakamalalaking ambag sana para sa maayos na pagpaparehistrato ay ang mga tao mismo. Oo. Ang mga mga nagrerehistro mismo. Alam mo sa iyong sarili kung rehistradong botante ka o hindi; o kung kailangan mo ang pagsasaayos ng iyong rehistro gaya ng pagtatama ng datos. Wala sanang siksikan, tulakan, singitan o maging mahahabang pila at pagkapuyat gay anito, kung ang mismong mga mamamayan ay inaalam ang kaniyang responsibilidad sa panahon ng pagrerehistro.|