29 C
Batangas

Interbensyong pang-agrikultura, tinanggap ng Balete farmers

Must read

TUMANGGAP ng interbensyong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng P12,524,352 ang mga magsasaka ng Balete, Batangas. Ito ay bahagi pa rin ng implementasyon ng Taal Rehabilitation and Recovery Program.

Ang ilan sa mga tulong na naipamahagi ay botanical concoction, coffee dryer, multi-cultivator, four-wheeled drive tractor, garden tools, grass cutter, greenhouse, hermetic bag for coffee, knapsack sprayer, mesh net, nursery, power sprayer, pruning saw and shear, shredder machine, UV plastic, water plastic drum, wood vinegar, plastic mulch, seedling tray, corn sheller, at solar powered irrigation system.

“Napakalaking bagay ng mga ito sapagkat kung hindi dahil sa tulong ng DA, hindi namin alam kung paano kami makakabangon sa sunod-sunod na pagsubok,” ani Reynaldo Caguitla, magsasaka at chairman ng Committee on Agriculture ng bayan ng Balete.

Pinangunahan nina DA-4A Field Operations Division Chief Engr. Redeliza A. Gruezo, FOD Assistant Chief Fidel L. Libao, at iba pang mga empleyado ng DA-4A ang nasabing pamamahagi.|-BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -