24.4 C
Batangas

Local food security, dapat pagtuwangan ng pamahalaan at pribadong sektor

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIAN, Batangas – NANINIWALA si Senador Cynthia Villar na kailangang magkatuwang na palakasin pa ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang mga programa nito upang isulong ang seguridad sa pagkain sa bansa.

Sa kaniyang pagbisita sa isang DV Boer Farm sa bayang ito, Lunes ng umaga, sinabi ng senadora na malaki ang makakawa ng pakikipagtuwang ng pribadong sector sa pamahalaan upang matiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang sambayanang Pilipino sa hinaharap.

Anang senador, ayon sa ulat ng Food and Agriculture Organization (FAO) nahaharap sa malaking krisis o kakulangan sa pagkain sa buong mundo ilang dekada mula ngayon, kaya bago pa man dumating ang kakulangang ito, mas makabubuting seryosong paghandaan ito habang maaga pa.

TINANGGAP ni Senador Cynthai Villar ang token of appreciation mula kay DV Boer Farm president Dex Villamin.|JOENALD MEDINA RAYOS

Kinilala naman ng mambabatas ang ginagawa ng naturang farm sa paghikayat nito sa iba pang magsasaka na makipagbalikatan para sa seguridad sa suplay ng pagkain. “Tayo ay tumatanda na at maaaring hindi na natin abutin ang krisis na iyon, ngunit ang ating mga anak at mga apo ang maaaring magdanas ng kakulangang iyon kung hindi natin ito mapaghahandaan ng maayos ngayon,” pahayag pa ng senadora.

Si Villa rang anging panauhing tagapagsalita sa 1st Paiwi partners convention at paglulunsad ng Magkakasama sa Sakahan (Magsasaka), Inc. na isang samahan ng mga magsasaka o kaya ay mga karaniwang indibidwal na walang kakayahang mamuhunan ng malaking negosyo ngunit handang makibahagi sa programa sa pagtiyak ng saganang pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng puhunan o ambag sa programa.

Paliwanag ni DV Boer Farm president Dex Villamin, Jr., kahit ordinaryong mamamayan na walang kakayahang mamuhunan ng malaki ay maaaring mag-ambag o maglagak ng maliliit na puhunan sa pamamagitan ng pagbili ng isa o higit pang bilang ng hayop na ipaiiwi mismo sa farm upang doon na rin alagaan.

May sariling talipapa rin ang farm kung saan mabibili ang mura at de kalidad na karne ng baka, baboy, kambing, tupa, manok, pugo, pabo at iba pa.|#BALIKAS_News

FOOD SECURITY. Binisita ni Senador Cynthia Villar ang isang livestock farm sa Liaan, Batangas kung saan ay hinikayan niya ang pribadong sektor na makipagtuwang sa pamahalaan upangisulong ang kahandaan sa krisis sa pagkain.|JOENALD MEDINA RAYOS
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -