26 C
Batangas

Batangas at mga karating probinsya, nabalot ng vog; #WalangKlase sa ilang bayan

Must read

Ni GHADZ Q. RODELAS

MULI na namang nagbuga ng mapanganib na volcanic smog o vog ang Taal Volcano na bumalot sa buong lalawigan maging sa mga kalapit na mga probinsya, nitong Linggo, Agosto 18.

Nagmistulang tila Baguio City ang paligid mula umaga hanggang gabi dahil sa kapal ng vog na tila fog sa buong paligid.

Bukod sa Batangas, nakaranas din ng vog sa Tagaytay City, Maragondon, Silang, GMA, Imus at Indang sa Cavite. Gayundin sa Calamba City, Biñan at Cabuyao sa Laguna.

Sa huling tala ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) noong Huwebes August 15, umabot sa 3,355 tonelada kada araw ang Sulfur Dioxide Flux ang naibuga ng Taal Volcano at inaasahan ang mas mataas na volume nito paglabas ng panibagong bulletin mamayang alas 8 ng umaga, Agosto 19.

Samantala kinansela na ang klase bukas, August 19, Lunes sa mga bayan ng Laurel (pre-school-Senior High School),    Nasugbu ( all levels), Tanauan City (all levels), at Sto. Tomas City (all levels) sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Patuloy naman ang abiso ng mga LGU maging ng Department of Health na mas mabuting mamalagi na lamang sa loob ng bahay o kaya ay magsuot ng N95 face mask kung mananatili sa labas. 

Maaaring magdulot ng iritasyon sa lalamunan, mata, balat at nakasasama din sa baga lalo na sa mga bata at matatanda ang matagal na exposure sa vog.| – BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -