30 C
Batangas

Abnormalidad ng Bulkang Taal, patuloy; nasa Alert Level 2 pa rin

Must read

- Advertisement -

LALO pang tumaas ang bilang ng mga naitalang datos ng abnormalidad ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras, ayon sa opisyal na komunikasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Lunes ng umaga.

Sa ulat ng PHIVOLCS, may naitalang 252 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras kabilang ang may 17 bugso ng paggalaw na may tagal na isa (1) hanggang apat (4) na minuto at limang hybrid events.

Lampas pang triple ito ng naitalang 74 volcanic earthquakes noong sinundang araw bagaman at mas maraming naitalang paggalaw noon na tumagal ng isa (1) hanggang apat (4) na minuto.

Kabilang din sa mga aktibidad na naitala sa Main Crater ang ilang bahagyang pagbuga ng steam-laden plumes from fumarolic vents na umaabot sa may 10 metrong taas na nagsimula pa noong Sabado, Marso 13.

Kapansin-pansin pa rin ang pagtaas ng temperatura sa bulkan bagaman at bahagyang bumaba ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission kahapon, Linggo, kumpara noong Sabado.

Kapansin-pansin din ang ground deformation parameters na nanganmgahulugan ng patuloy na pagtaas ng pagagalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Sa kabila nito, nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 2 (Increased Unrest) ang alert level ng bulkang Taal. Gayunpaman, patuloy ang pagpapaalaala ng DOST-PHIVOLCS sa publiko na sa ilalim ng Alert Level 2, maaaring magkaroon ng biglaang pagbutok ng bulkan at pagbuga ng abo, gas, at madalas na pagkakaroon ng volcanic earthquakes.

Ipinaalala pa ng PHIVOLCS na bagaman at nakataas na sa Alert Level 2 ang bulakn, hindi pa rin inirerekomenda ang pagpapalikas sa mga residente sa mga baybayin ng Lawa ng Taal, ngunit mahigpit na ipinaaalala na ang buong Taal Volcano Ilsand ay isang Permanent danger Zone (PDZ) kung kaya’t ang pagtungo rito, partikular sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila ay mahigpit na ipinagbabawal.| – Joenald Medina Rayos/bnn

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -