HALOS dalawang buwan na lang ang nalalabi bago ang May 2025 Elections, patuloy ang kampanyanhan para sa mga pambansang posisyon at sa party-list system. At bawat party-list system ay may kani-kaniyang adbokasiya upang sila ang ating piliin na mailuklok sa Mababang Kapulungan ng kongreso…
Sa patuloy na pagtutok ng Balikas News sa kampanya ng mga kandidato sa lalawigan ng Batangas, nasundan natin ang pag-ikot ng PAMILYA KO Party-list…. Ano kaya ang kanilang adbokasiya at anong kaibahan nito sa ibang grupo na pokus ng kanilang adbokasiya ay ang pamilyang Pilipino.
Alamin natin yan, sa mismong first nominee ng Pamilya Ko Party-list, si 2003 Bar Top notcher, Atty. Adel Diaz.
Narinig natin ang kanilang adbokasiya. Higit pa sa mga tipikal na pamilyang Pilipino, isang katotohanan na marami pang ipang set-up o porma ang pamilya Pilipino, at sila rin ay may kani-kanilang pangangailangan. Maging ito man ay extended family, partnership, nabibilang sa LGBTQIA+, solo parents, adoptive family, at iba pa…. sabi nga nila, ano man ang sitwasyon ng pamilya mo, pamilya ko ikaw.|