31.1 C
Batangas

African swin fever, umatake na sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LAUREL, Batangas – HINDI pa man nakaaahon sa matinding dagok hindi lamang sa sektor ng agrikultura, kundi maging sa kabuuang pamumuhay ng mga residente ng bayang ito, panibagong dagok naman sa mga Batangueño ang African swine fever (ASF) sa mga babuyan rito.

Nito lamang Biyernes, Pebrero 28, kinumpirma na ng pamahalaang panlalawigan na ang mga blood samples na kinuha sa isang babuyan na ipinasuri sa Bureau of Animal Industry (BAI) ay nagpositibo na sa ASF virus.

Mismong si ASF focal person Dr. Krisel Ann Ragas ang nagsabi na nasa humigit-kumulang 500 backyard hog raisers sa Barangay Molinete sa bayang ito ng Laurel ang apektado ng peste at tinatayang nasa 5,000 ulo ng baboy pigs na nasa nasasakop ng 1-kilometer radius mula sa lugar na nakumpirmang may sakit ang nakatakda ngayong isalang sa culling process o kumpolsaryong pagkatay. Sa nasabing bilang, umabot na sa may 900 baboy ang kinatay hanggang nitong Biyernes ng hapon.

Pahayag ni Ragas, ang Batangas ay isa sa mga nangungunang mga probinysa na nagsusuplay ng karneng baboy sa merkado ay tinatayang nasa P5-biyon ang kontribusyon ng probinsya sa mag P250-bilyong industriya ng pagbababuyan sa bansa.

Maaari aniyang mas malaki pa rito ang kontribusyon ng lalalwigan, sapagkat may mga produksyon ang mga backyard raisers na hindi naman naiuulat ang kanilang mga produksyon.
Kaagad namang nagpalabas ng bagong advisory Batangas Governor Hermilando Mandanas ukol sa isyu ng ASF.

“Rest assured that the provincial government is working together with its municipal counterpart and the regional field office of the Department of Agri-culture for the containment of ASF,” saad ng gobernador sa Advisory No. 2020-02.

Narito ang ilan sa mga tagubilin ng pununlalawigan sa naturang advisory bilang disease control measures ng probinsya:
· Uubusin ang lahat ng alagang baboy sa nasasakop ng 1-kilometer radius mula sa lugar na nakumpirmang may sakit na ASF;
· Pagpapatupad ng strict border control at biosecurity measures na itinalaga sa hangganan ng 1-kilometer radius at sa mga boundary ng bayan ng Laurel;
· Patuloy na pagmamanman sa nasasakop ng 7-kilometer radius mula sa lugar ng kinakitaan ng sakit upang matiyak na hindi pa kumakalat sa labas nito ang virus;
· Mas pinalawak na ASF Information and Education Campaign sa mga barangay;
· Pagbabawal ng pagkakatay ng baboy sa labas ng slaughterhouse.

“Higit nating kailangan ngayon ang mahigpit na pagpapatupad ng ating mga panuntunan hinggil sa ASF virus upang mapigil ang lalo pang pagkalat nito sa lalawigan. Kailangang iulat natin ang anumang impormasyon ukol sa mga pagkamatay ng alagang hayop, iligal na pagpasok sa lalawigan ng mga baboy o produktong mula sa baboy, at maging ng mga pamakain sa baboy,” pahayag pa ni Gobbernador Mandanas.

Naniniwala naman ang opisyal na hindi gaanong kakalat ang virus sa lalawigan at tuluyan din itong masusugpo sa lalot madaling panahon.

Ayon kay Laurel municipal agricultural officer Antonina Gar-diola, hindi pa nila matukoy kung saan nagmula ang sakit, bagaman at ipinalalagay ng ilang mga residente na maaaring dahil sa sobrang pagkagutom ng alaga nilang baboy noong pumutok ang bulkang Taal, kaya naghirap sila sa paghanap ng pamakain.

Sa isang panayam naman kay Gobernador Mandanas, sinabi niya na may mga impormasyon na may mga magbababoy sa Laurel na nagdala ng mga pamakain sa kanilang mga alagang baboy mula sa Cavite noong naka-lock down pa ang naturang bayan, at iyon aniya ay maaaring isang dahilan ng pagpasok ng ASF sa lalawigan.

Maaalaalang ipinatupad na noon pang Oktubre ng nakalipas na taon ang total ban sa pagpasok ng live hogs, pork and formulated swine feeds sa lalawigan at mahigpit na ipinatupad din ang pagsusuri muna ng mga tauhan ng Office of the Provincial Veterinarian bago makapasok ang anumang produktong agrikultural sa Lalawigan ng Batangas.

Ayon sa 2018 Swine Situa-tion Report ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Lalawigan ng Batangas ay kinikilalang ikalawang nangunguna sa produksyon ng baboy sa bansa at may taunang poroduksyon na hindi baba sa 174,000 metriko tonelada, sunod sa Lalawigan ng Bulacan na may produksyong mahigit sa 259,000 metriko tonelada.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -