NANG sinalanta ng bagyong Odette ang lalawigan ng Bohol noong Disyembre, si AP Partylist first nominee Rep. Ronnie Ong ay agarang naghatid ng libo-libong mga kahon ng bottled water at mga sako ng bigas, food packs at mga tinapay upang ipamahagi sa ibaโt-ibang bayan sa Bohol. Mahigit isang buwan na ang nakalipas at maraming bayan ang hindi pa rin nakakabalik sa normal at unti-unting nakakabangon. Sa pagbabalik ng AP Partylist sa Bohol ay kasama na nila ang kaibigan at supporter nito na aktres na si Yassi Pressman upang magpamahagi ng mga portable water filter, libo-libong crate ng mga tinapay at magsagawa ng feeding programs.
โIsa po tayo sa unang nakakita ng pinsalang dala ng Typhoon Odette noong nagdala tayo ng ilang truck ng tubig, bigas, at food pack noong Kapaskuhan. Alam natin na may maitutulong pa tayo kaya ngayong araw ay bumalik kami, at pupuntahan naman namin ngayon ang mga bayan ng Talibon, Pilar, Sevilla, at Balilihan,โ sabi ni Rep. Ronnie Ong of AP Partylist. Una nilang binisita ang bayan ng Talibon, Bohol, kung saan sila ay nagdonate ng portable water filters para sa 25 na barangays nito at nagsagawa ng feeding program para sa mahigit na 500 mga residente. Ang mga beneficiaries ay mga evacuated residents ng Brgy. Poblacion at mga residente ng Brgy. San Agustin. Hiyawan ng tuwa ang sumalubong kay Yassi Pressman sa kanyang pagdating sa loob ng center upang maka-usap ang mga residente ng Talibon.
โSobrang masakit po sa puso na makita po natin nang personal ang pinsalang dala ng Typhoon Odette, pero ngayon po ay magaan po ang loob natin na magdala ng tulong at kaunting saya sa lahat ng nabagyo. Patuloy po tayong maghahatid ng tulong sa ibaโt ibang bahagi ng bansa,โ ani ni Yassi Pressman sa kanyang mensahe para sa mga Bol-anon.
Mula naman sa Talibon, ay tumungo sila sa bayan ng Pilar, kung saan sila ay nagpamahagi ng bigas at nagsagawa muli ng feeding program para sa mga residente ng Barangay Poblacion at Barangay Rizal. Sa Sevilla naman ay naghatid ang AP Team ng food at bread packs para sa mga senior citizen at mga residenteng lumubog sa tubig baha ang mga kabahayan nuong bagyong Odette. Isa pa ring feeding program ang isinagawa para sa mga taga-Sevilla. Tinapos ni AP Partylist Rep. Ronnie Ong at Yassi Pressman ang kanilang pagbisita sa Bohol sa bayan ng Balilihan, kung saan nagsagawa ng isang feeding program para sa mahigit na limang daang (500) residente at donasyon ng bigas.
Dagdag ni AP Partylist Rep. Ronnie Ong, โMula po sa buong team ng AP Partylist, maraming salamat po dahil palagi po kaming welcomed dito sa Bohol. Kaya patuloy lang po tayo sa pagdadala ng tulong at saya sa lahat ng mga Boholanos.โ โMahal ko po kayong lahat. Bastaโt sama-sama po tayo, kaya natin ito!โ dagdag ni Yassi Pressman. Bago naman umalis ng Bohol ay namalengke muna si Yassi sa Dao Public Market at bumili ng mga isda at gulay. Ito ay ikinatuwa ng mga tindera ng palengke at mga residente namakikita sa social media account post ni Yassi Pressman.