MAYO 14, 2018 — Itinakda ng batas para sa Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2018 (BSKE). Matapos ang pagpigil sa mga nakalipas na panahon, matutuloy na ang muling paghahalal ng mga bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan, at nakapaloob ngayon sa bagong batas, RA 1-742, ang mga reporma sa SK, gaya ng probisyon laban sa Political Dynasty.
Ano ang Kwalipikasyon para maihalal na opisyal ng Sangguniang Kabataan?
Malinaw na nakasaad sa Seksyon 10, Chapter II ng Republic Act 10742, ang bagong batas para sa reporma sa SK, na kilala bilang “AN ACT ESTABLISHING REFORMS IN THE SANGGUNIANG KABATAAN CREATING ENABLING MECHANISMS FOR MEANINGFUL YOUTH PARTICIPATION IN NATION-BUILDING, AND FOR OTHER PURPOSES” ang sumusunod:
SEC. 10. Qualifications. – An official of the Sangguniang Kabataan, either elective or appointee, must be
1. a citizen of the Philippines,
2. a qualified voter of the Katipunan ng Kabataan,
3. a resident of the barangay for not less than one (1) year immediately preceding the day of the elections,
4. at least eighteen (18) years but not more than twenty-four (24) years of age on the day of the elections,
5. able to read and write Filipino, English, or the local dialect,
6. must not be related within the second civil degree of consanguinity or affinity to any incumbent elected national official or to any incumbent elected regional, provincial, city, municipal, or barangay official, in the locality where he or she seeks to be elected, and
7. must not have been convicted by final judgment of any crime involving moral torpitude.
Ngayon, meron ba sa mga barangay ninyo na tumatakbo na lihis sa mga kwalipikasyong ito?
Lilinawin natin. Sinu-sino yung mga iniisa-isa sa ilalim ng Section 10, #6 na dapat ay walang relasyon hanggang sa ikalawang antas, sa dugo at sa apinidad o sa bisa ng kasal? Malinaw na hindi pwedeng tumakbo bilang opisyal ng SK ang asawa, anak, apo, manugang, bayaw o hipag ng sinumang nakaupong halal na opisyal maalin man sa pamahalaang nasyunal, regional, probinsyal, panlunsod, pambayan o pambarangay.
Malinaw din sa Section 10 (b), Rule II ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10742 na sa paghahain pa lamang ng kandidatura ay kailangang sinumpaan na ng kandidato na siya ay walang anumang relasyon gaya ng nabanggit:
“(b) Any candidate for the SK election must declare in her/his Certificate of Candidacy (COC), the following statement: “The candidate is not related within the second civil degree of consanguinity or affinity to any incumbent elected national official or to any incumbent elected regional, provincial, city, municipal, or barangay official, in the locality where the candidate seeks to be elected.”
Kaya kung ang kandidato sa SK ay asawa, anak, apo, bayaw o hipag ng sinumang nakaupong halal na opisyal, ang kandidatong ito sa SK ay dapat i-disqualify.
Bakit ‘ka n’yo inilagay sa bagong batas na ito ang ganitong probisyon? Ito’y bilang panimula ng mga reporma sa ating electoral process at sa ating political system, na sana nga ay tuluyang alisin ang poltical dynasty. Eh, bakit inuna ang reporma sa SK? Sapagkat ito ang kauna-unahang hakbang na ng isang naglilingkod sa pamahalaan ay mauupo bilang halal na opisyal. Sa mga nakalipas na panahon, pangita naman na ang isang dahilan kung bakit hindi naging gayun katagumpay ang Sangguniang Kabataan sa maraming lugar, kung hindi man sa lahat ng barangay, ay sapagkat ang mga kumandidato at naihahalal na mga SK officials ay kalimitang anak, kapatid, pamangkin, bayaw o hipag ng punong barangay o kagawad, alkalde, o kagawad ng bayan o lunsod, at iba pa.
Sapagkat hindi naging handa ang karamihan at hindi malinaw sa ibang nagsipaghain ng kandidatura sa SK ngayong taon, o kaya naman ay sinadya, may pagkakataon pa para bumoto lamang sa kwalipikado at iyong talagang maglilingkod sa sektor ng kabataan.|