30 C
Batangas

Alitagtag, nagtala ng ika-4 na Covid Case

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

INIULAT ni Mayor Edilberto Ponggos ng bayang ito na isa na naman niyang kababayan ang naitalang nagpositibo sa sakit na corona virus disease (CoVid-19).

Siyam na araw mula ng ideklara ng Aligatag na Covid-Free na ang munisipyo, natanggap nila ang opisyal na resulta ng isinagawang tests sa isang residente ng Brgy. Muzon I.

“Ikinalulungkot ko pong sabihin na siya ang PANG-APAT na nagPOSITIBO thru local transmission dito sa ating bayan. Siya po ay walang naging byahe sa ibang bansa ngunit nagkaroon siya ng exposure sa isang COVID positive sa Lipa Medix Medical Center. Bagama’t nananatiling asymptomatic (walang nakikitang sintomas), sya po ay kasalukuyang naka-admit sa isolation room ng nasabing ospital,” pahayag ni Mayor Ponggos.

Lumabas aniya ang resulta ng kanyang eksaminasyon noong May 3, 2020 ngunit nito lamang Martes, Mayo 5, natanggap ang opisyal na resulta.

Magpapatupad naman ng mga bagong patakaran sa nasasakop ng barangay Muzon I upang mapigil ang lalo pang pagkalat ng sakit sa nasabing bayan. | – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -