27.8 C
Batangas

AnaKalusugan, nangungunang party-list ng mga Batangueño – SWS 

Must read

- Advertisement -

NAKATITIYAK na ang publiko sa tuluy-tuloy na serbisyo, lalo na sa larangan ng programang pangkalusugan hatid ng AnaKalusugan Party-List, ngayong patuloy na kabilang sa mga nangungunang party-list  para sa darating na May 12, 2025 Midterm Elections.

Ito ay batay sa resulta ng Pre-Election Survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa sa apat (4) na buwang sunud-sunod mula December 2024 hanggang March 2025.

Kinukumpirma rin nito na ang AnaKalusugan lamang ang Batangas’ homegrown  party-list o may nominadong kinatawan mula sa Lalawigan ng Batangas na nakapasok sa Top 15.

Sa inilabas na Pre-Election Voters Preference tally mula March 15-20, 2025, ipinakita ang patuloy na pag-angat sa survey ng AnaKalusugan Party-List mula sa Rank 56 noong Disyembre 2024 hanggang sa medyo bumaba noong Enero at Pebrero 2025, ngunit kinakitaan ng dramatic increase at maging Top 15 na nitong nakalipas na Marso 2025. 

Kung isasagawa ngayon ang eleksyon, batay sa magandang performance ng AnaKalusugan Party List, nakatitiyak na ng muling pag-upo bilang kinatawan ng AnaKalusugan si incumbent Congressman Ray T. Reyes, na siya pa ring first nominee para sa 2025 elections.

Batay sa umiiral na panuntunan sa pagboto ng party-list, mangangailangan lamang ng hindi bababa sa 250,000 boto ang isang party-list para magkaroon ng representation sa kongreso.

Matatandaan na unang lumahok sa pambansang halalan ang AnaKalusugan noong 2010. 

Noong 18th Congress o kasunod ng 2019 elections, unang naging kinatawan ng AnaKalusugan Party List sa kongreso si dating Cong. Michael Defensor.

Sa pagpasok naman ng 19th Congress o pagkatapon ng 2022 elections, naging bagong kinatawan ng party-list si incumbent Congressman Ray T. Reyes.

Mula ng itatag ang Alagaan Natin Ating Kalusugan Party-List, at hanggang sa kasalukuyan, patuloy itong nangunguna ang AnaKalusugan Party-List sa paghahatid ng serbisyong medikal at iba pang social services sa sambayanang Pilipino.| – Joenald Medina Rayos / BNN News

- Advertisement -
Previous article
Next article
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

IN some hotly contested positions in the province of Batangas, the results of the just concluded elections simply convey what characterizes the voters’ preferences,...
Leandro Legarda Leviste has won a historic landslide as Batangas 1st District Representative in the 2025 elections. Leviste was accompanied by his mother, Senator...
BATANGAS Capitol – AS the Provincial Board of Canvassers proclaimed the winning candidates for all the positions in the province of Batangas, Board Member-elect...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -