TANAUAN City — Nagtayo ng animal quarantine checkpoint sa Brgy. Banjo West noong Setyembre 17 at sa Brgy. Tinurik naman noong Setyembre 18 ang Tanggapan ng Beterinaryong Panlungsod ng Tanauan upang masiguro na hindi makakapasok ang African Swine Fever (ASF) sa lungsod.
Ang mga barangay na ito ang kasalukuyang may pinakamataas na populasyon ng baboy kaya minabuti ng nasabing tanggapan na magtalaga ng mga checkpoint base sa kahilingan na rin ng mga kasapi ng kanilang Hog Raisers Association.
Ito ay hakbang ng pamahalaang lungsod bilang pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan kung saan nagbigay ng direktiba si Gobernador Hermilando Mandanas na pigilan ang pagpasok sa probinsiya ng Batangas ng mga baboy mula sa mga lugar na kumpirmadong apektadong ASF tulad ng mga lalawigan ng Rizal, Bulacan at Pampanga at sa mga sakop ng 10km radius ng General Nakar, Quezon, lungsod ng Caloo-can, Pasig, Marikina at Quezon City.
Upang higit na mapaigting ang seguridad laban sa kumakalat na sakit ng baboy, nagbigay-din ang City Vetโs Office ng mga disinfectant, backpack sprayer at tent.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan din kung magtatalaga rin ng checkpoint sa iba pang barangay na may malalaking bilang din ng โhog raisersโ.|Maireen Jenzen Nones