29.6 C
Batangas

Annual Budget ng Tanauan, bigong makalusot sa konseho

Must read

- Advertisement -

TANAUAN City — BIGO ang mga kaalyado ng administrasyon ni Mayor Collantes na mailusot sa Sangguniang Panlungsod ng Tanauan ang panukalang annual budget ng lunsod para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P4-bilyon.

Sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan noong Disyembre 23, na siyang ring pinakahuling sesyon ng konseho para sa taong 2024, tumutol ang pito (7) o ang mayoriya ng mga kagawad na pagtibayin ang ipinanukala ng ehekutibo na maging taunang badyet na anang mayoriya ay hindi tumutugon sa tunay na pangangailangan ng Lungsod ng Tanauan. Sa halip, ito anila’y puro nakatutok lamang sa patronage politicking o nagsusulong lamang ng political advantages ng administrasyon.

Kabilang sa mga bumoto ng ‘NO’ sina Kagawad Sam Bengzon, Kag. Eugene Yson, Kag. Marissa tabing, Kag. Ben Corona, Kag. Herman De Sagun, Kag. Cristel Guelos, at Kag. Eric Manglo.

Samantala, kabilang naman sa apat na kagawad na bumoto ng ‘YES’ sina Kagawad Glen Win Gonzales, Kag. Cyzylene Marquezes, Kag. Angel Burgos, at SK Federation president Ephraigme Bilog.

Sa kanilang pagboto, nagpa-hayag ng kani-kanilang  dahilan ang mga kagawad kung bakit nila tinutulan ang pag-apruba sa naturang panukalang annual budget.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Vice Mayor Herminigildo ‘Jun’jun’ Trinidad, Jr. na alinsunod sa itinatadhana ng Local Government Code of 1981, sa pagpasok ng susunod na taong 2025, wala muna maaaring ikalendaryong ibang usapin ang Sangguniang Panlungsod maliban sa deliberasyon ukol sa annula budget. At kung sa loob ng 90-araw ay hindi pa rin mapagtibay ang panukalang budget na isinumite ng sangay ng ehekutibo, ang Annual Budget para sa taong 2024 ang magiging re-inacted budget para sa taong 2025.

Dahil dito, walang mga bagong programa ang maaaring ipatupad ng kasalukuyang administrasyon sapagkat walang laang- guguling napagtibay para rito. Samantala, ang mga programa ring naipatupad na sa taong 2024 na pinaglaanan ng budget sa taong 2024 ay hindi na maaaring ulitin pa, sapagkat iyon ay magiging sala na itinatadhan ng batas.| – BNN News Team

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

LIPA City -- PUMALAG si Mataasnakahoy Vice Mayor at gubernatorial candidate Jay Manalo Ilagan sa Show Cause Order na inisyu sa kaniya ng Commission...
BAUAN, Batangas – MATINDING hinamak ni Congresswoman Gerville Reyes-Luistro ang pagkatao ng kaniyang katunggali sa pulitika na si dating Deputy Speaker at 2nd District...

Loan sharks

0
THE new face of loan sharks now in the Philippines are in the form of online lending apps (OLA)  with advertisements proliferating in various...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -