31.7 C
Batangas

ASEAN para saKababaihan*

Must read

- Advertisement -

By MARIFE D. FRANE**

KAMAKAILAN lamang ay sinabi ni Vice President Leni Robredo na makabubuti para sa mga kababaihan ang Economic Integration ng ASEAN. Nakatutuwa at kapaki-pakinabang ang hakbang na ito ng asosasyon kung tunay na maisasakatuparan.

Sa makabagong panahon na ginagalawan natin ngayon, kung saan katuwang na ang mga maybahay ng kanilang mga asawa sa pagtataguyod ng kanilang mga anak, nakatutuwang mabigyan sila ng tiyak na pagkakataon para makapaghanap-buhay. Hindi man nakatapos ng apat o limang taong kurso sa kolehiyo, kung matutuloy ang hakbanging ito ng ASEAN na mabigyan sila ng kaalaman sa simpleng pagnenegosyo, ito ay lubos na makatutulong. Subok ang kakayahan at tiyaga ng mga Pilipina na siguradong matututo matapos sumailalim sa mga tamang pagsasanay. Ang kaalaman at kasanayang kanilang makukuha ay magagamit nilang puhunan upang kumita at mabigyan ng maayos at marangal na pamumuhay ang kanilang pamilya.

Kapaki-pakinabang ang hakbanging ito sapagkat ang mga ina bilang ilaw ng tahanan ay hindi na kakailanganin pang pumunta ng ibang bansa upang doon makipagsapalaran at humanap ng ikabubuhay. Ang ilaw ay dapat manatiling nagniningning sa loob ng bawat tahanan. At ang ningning na ito ay napaparam at nagiging kadiliman sa tuwing lumilisan ang ina ng tahanan kapalit ng trabaho upang mabuhay. Sa pamamagitan ng programang ito ng ASEAN, mababawasan ang mga kababaihang kinakailangan pang umalis ng bansa sapagkat dito sa kanilang bayan ay magkakaroon na ng trabahong mapagkakakitaan at marangal. Mas higit na nilang magagabayan ang kanilang mga anak, daan upang maging mabubuti silang mamamayan ng bansa.

Ang programang ito ng ASEAN ay tunay na nakatutuwa at kapaki-pakinabang. Maisagawa sana nang tama ang mga plano at hakbangin upang maisakatuparan ito at makatulong sa mga kababaihang mamamayan ng bawat kasapi ng bansa. Isang pagsaludo sa ASEAN sa pagbibigay ng kahalagahan sa pag-angat ng papel na maaaring gampanan ng mga kababaihan, — mga kababaihang nagsisilbing patnubay sa paghubog ng mga kabataang mangangalaga at magtataguyod sa bansa sa mga susunod pang henerasyon.|

*3rd Place-Editorial Writing-Filipino, School Paper Adviser’s Category sa Regional Schools Press Conference, Nov. 13, 2017

**Si Ms. Marife D. Frane ay Teacher III, Talumpok Silangan Elem. School, Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Hey there SuperFam! Treat the most special man in your life this Father’s day at SM Malls in Batangas. From Jun 14 – 16, SM Malls in Batangas will help you express gratitude, love and appreciation to the main man...
NAGLABAS ng pahayag ang Roxas and Company, Inc. (RCI) ukol sa naganap kamakailan na kilos protesta ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) mula sa Nasugbu, Batangas. Nanawagan ang RCI sa lahat ng mga panig na kalahok sa isyu na igalang...
MALACAÑANG – The Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) strongly denounced the physical attack perpetrated by members of the transport group, ‘MANIBELA” against a member of the press while covering a transport strike staged by the group early...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -