31.7 C
Batangas

ASF, umatake sa isang babuyan sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – HINILING kamakailan ng mga nagkakaisang magbababoy sa Lalawigan ng Batangas ang kagyat na pagkilos ng Department of Agriculture (DA), partikular ng Bureau of Animal Industry (BAI) upang maagapan ang bantang paglaganap at muling pananalasa ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya.

Kaugnay nito, hiniling ng United Batangas Swine Raisers Association, Inc. (UNIBAT) sa Provincial Veterinary Office (ProVet) na ipatupad ang isang Resolusyon ukol sa mahigpit na pagbabawal ng pagbibiyahe ng mga buhay na baboy, mga kinatay na baboy, at maging ng mga prinoseso ng karneng baboy papasok o palabas mula sa mga lugar na may suspected at kumpirmadong kaso ng ASF.

Ito rin anila ay bilang pagsunod din sa mahigpit na probisyon ng Administrative Circular No. 12, Series of 2019 ng DA, kaya inirekomenda rin ang mas mahigpit na parusa sa paglabag sa naturang kautusan.

Kabilang sa mga inirekomendang parusa ay ang pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na produkto at pag-impound ng mga sasakyang ginamit ng mga lumabag para sa unang paglabag; pagmumulta naman ng hindi bababa sa P100,000 at hindi tataas sa P300,00 bilang dagdag sa unang parusa para naman sa ikalwang paglabag; at mas mahigpit na pagkabilanggo naman ng 30 hanggang 60 araw sa may ari ng sasakyang ginamit, bilang dagdag sa naunang parusa ng pagkumpiska at pagmumulta, para naman sa ikatlo at mga sunod pang paglabag.

Sinabi naman ni G. Pedrito Kalaw, pangulo ng UNIBAT na sa pagbibiyahe ng mga ibinibentang baboy, kinakailangang ang mga biyahero ay may kaukulang dokumento na sertipikado ng BAI at naka-allign sa protocol na ginawa ng ating probinsya. Kung hindi aniya dala ng biyahero ang mahalagang dokumentong ito, ay hindi dapat makapasok sa lalawigan ng Batangas ang nasabing biyahero.

Ayon kay Provincial Veterinarian Romelito Marasigan, ipatutupad sa lalawigan ang zoning mechanism upang mai-isolate ang mga lugar kung saan lamang may maitatalang kaso ng ASF at nang hindi naman maapektuhan ang mga ibang mga karating na lugar.

Ito’y matapos maitala ang muling pag-atake ng ASF sa lalawigan, partikular sa isang malaking babuyan sa barangay Malagunlong sa Lungsod ng Lipa na pag-aari ng isang kilalang brand ng ibinebentang karneng baboy at manok sa merkado. Hindi naman nilinaw ng mga nagsidalo sa pulong kung may ilang baboy ang napinsala sa naturang farm na may 30 ektaryang luwang at may 1,400 inahin, bukod pa ang mga fattener.

Sa pagdinig ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan, hiniling nina Bokal JP Gozos at Bokal Jesus de Veyra sa ProVet na tiyaking mahigpit na maipatupad ang mga umiiral na alituntunin ng kagawaran ng pagsasaka, at ng pamahalaang panlalawigan, upang matiyak na hindi kumalat sa lalawigan ang ASF at matiyak ang kalusugan ng sambayanang Batangueño.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -