26.5 C
Batangas

‘Ate Vi’ o ‘Ate B!’ para sa Lipa City?

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – EKSAKTONG limang (5) buwan pa bago sumapit ang itinakdang Campaign Period para sa mga kumakandidato sa pagka-konggresista, at sa mga pang rehiyon, panlalawigan, panlunsod o pambayang posisyon, nagsisimula nang uminit ang labanan sa pagka-konggresista ng Ika-6 na Distrito ng Lalawigan ng Batangas, ang Lipa City Lone District.

Nitong nakalipas na linggo, kani-kaniyang pahayag ang magkatunggaling kampo nina Governor Vilma Santos-Recto (kilala rin bilang Ate Vi) at Lipa City First Lady Bernadette Palomares-Sabili (kilala rin bilang Ate B!) ukol sa mga naging kaganapan mula pa man sa panahon ng paghahain ng kani-kanilang kandidatura.

Noong Oktubre 14, ikinagulat ng mga mamamahayag at ng publiko ang pahayag ng mag-asawang Lipa City mayor Meynardo A. Sabili at asawang si ‘Ate B’ ukol sa kanilang paglipat sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

“Ipinakita namin ang aming lubos na pagsuporta at loyalty sa buong partido at pamunuan ng Liberal Party ngunit ganito nga ang nangyari,” paunang pahayag ni Mayor Sabili.

Aniya, isa siyang kasapi ng Executive Committee ng LP, ngunit noon aniyang Oktubre 6, Martes, kung kalian nila kinukuha ang kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CoNA) ay hindi na niya ito nakuha sapagkat “ang sabi sa amin ay may kumuha na ng aming CoNA na siya na raw magbibigay sa amin, ngunit wala naman sa amin ang kumuha at wala ring nagbigay sa amin”.

Dahil dito, nakipag-ugnayan umano sila kay presidential bet Mar Roxas sapagkat buo pa rin aniya ng panahong iyon ang kanilang suporta kay Roxas. Kalaunan aniya ay na-accommodate siya at ang kaniyang grupo sa NUP na siyang nagbigay ng CoNA sa kanila.

Bukod sa mag-asawang Sabili, nabigyan din ng CoNA ng NUP ang mga kaalyadong tumatak-bong kagawad na sina Emmanuel de Castro, Carina Lina-Panganiban, Camille Angeline Lopez, Dominador Mauhay at Gwendolyn K. Wong.
Inamin din ng alkalde na isang isang mabigat na dahilan ng pagkakatanggal sa kanila sa LP ay ang pag-anunsyo ng kaniyang kabiyak na si ‘Ate B’ na tumakbo sa pagka-konggresista ng Lipa. “Sinabihan ako ni Senador (Ralph Recto) na dahil sa pagtakbo ng asawa ko, ipatatanggal nila ako sa Liberal. Dahil sabi niya, ‘kung itutuloy ng asawa mo ang pagtakbo, tatanggalin kita… tanggal ka na sa Liberal Party at ipakukulong ko kayong dalawa’”.

Sa isang hiwalay na panayam kay ‘Ate Vi’, sinabi niya na maaari aniyang alam naman ng kampo ni Mayor Sabili na tatakbo siya dahil isa si Senador Ralph Recto na nagsulong na maging isang hiwalay na distrito ang Lunsod ng Lipa. Ayon naman kay ‘Ate B’, kahit noon pa man aniyang nababalitang nililigawan ng Liberal Party na maging running mate ni Mar Roxas at wala pang anunsyo kung anong tatakbuhan ni ‘Ate Vi’ ay matagal nang naideklara ni ‘Ate B’ ang kaniyang intensyong tumakbong konggresista ng Lipa.

Noon ding Lunes, Oktubre 19, kinumpirma ni Gng. Sabili ang napabalitang ipinatatanggal na rin sila sa NUP at ipinababawi umano ang inisyung CoNA nila.

“We would like to confirm not an attempt, kundi ito’y talagang nagawa nan a mawala na rin kami sa NUP at ito’y napakalungkot na development dahil nakapag-file na kami ni Mayor under ng NUP, may partido kaming inilagay, then all of a sudden, ay may lumakad at in fact based dun sa text sa amin ay ito’y si Senador Recto ang lumakad, nakiusap kay Mr. Razon na ang pagka-kaalam ko ay siyang mataas sa NUP at pinagbigyan naman…”, pahayag ni Gng. Sabili sa mga mamamahayag.

Sa isang hiwalay na panayam kay Senador Recto noong Huwebes, Oktubre 22, itinanggi niya na may kinalaman siya sa pagkakabawi ng CoNA ng NUP sa kampo ng mga Sabili.

“Hindi naman siguro dapat magtuturo yung mga kalaban namin sa pulitika, na dapat ay tingnan nila yung sarili nila sa kanilang salamin at kung sinipa siya ng Liberal Party at sinipa siya ng NUP, bakit naman siya magtuturo ng iba, palagay ko dapat tingnan nila ang sarili nila kung bakit ayaw… they don’t want to be identified with him.” “Hindi naman ako member ng NUP at member naman ako ng Liberal Party, at desisyon ng partido” pahayag pa ng senador. Aniya pa, maaa-ring nagkamali ng desisyon ang NUP na nakapagbigay ng CoNA sa taong di nila gaanong kilala kaya binawi ito.

Samantala, kaagad din dumepensya si Gng. Sabili. Aniya, “kahit akoy maliit na babae ay kaya kong panindigan ang aking mga sinasabi at ginagawa.” “Sino ba naman ako, ay no-match kumbaga… pero sabi ko nga, pa gang maliliit na tao ay nagsama-sama ay malakas ang pwersa at lalaban kami ng parehas; gaya nga ng sabi ko kanina, we will maintain our respect for the couple.”

Si ‘Ate Vi’ ay naging alkalde ng Lunsod Lipa ng tatlong sunud-sunod na termino bago naging gobernador ng tatlo ring magkakasunod na termino na matatapos sa Hunyo 30, 2016.

Una namang pinasok ni ‘Ate B’ ang mundo ng pulitika nang tumakbo siyang konggresista ng 4th District noong 2013 elections. Bagaman nabigo sa naturang laban, ipinagpatuloy niya ang mga serbisyo publiko bilang Tagapangulo ng MAS Foundation, Inc. at kalaunan ay bilang Chief of Staff ni Mayor Sabili. Pagpasok ng taong 2016, inihayag ni ‘Ate B’ ang kaniyang intensyong tumakbong kongresista ng Lone District of Lipa City.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng iba’t ibang sektor para sa isang malinis, patas at mapayapang halalan sa susunod na taon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the University’s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -