26.5 C
Batangas

Ayuda sa mga biktima ng bagyong Quinta at Rolly, inihatid sa Batangas

Must read

- Advertisement -

KASUNOD ng magkasunod na pananalasa ng bagyong Quinta at supertyphoon Rolly, kaagad na tumulak sa Lalawigan ng Batangas nitong Huwebes, Nobyembre 5, ang mga ahensya ng pamahalaang nasyyunal upang ihatid ang mga mahahalagang ayuda sa mga napinsala ng magkasunod na bagyo.

Unang tinungo ng mga ahensya ang bayan ng Lobo, Batangas kung saan ay pinangunahan ni Senador Bong Go ang paghahatid ng ayuda na sa mga nawalan o nasiraan ng tahanan, mga pinsala sa sector ng agrikultura at pangisdaan at mga imprastraktura.

Nasa halos 3,000 pamilya na naapektuhan ng magkasunod na bagyo ang hinatidan ng tulong sa Lobo Municipal Gymnasium at Batangas City Sports Coliseum.

Siniguro naman ni Go at ng kanyang team na nasusunod ang panuntunan sa health at safety protocols para maiwasan ang lalo pang paglaganap ng COVID-19.

โ€œPatuloy po akong umiikot para makapagbigay ng konting tulong at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Nais po naming iparamdam sa inyo na nandito ang inyong gobyerno na nagmamalasakit sa bawat Pilipino at handang maglingkod sa inyong lahat,โ€ pahayag ni Go.

Pinangunahan ni Go ang pamamahagi ng pagkain, food packs, masks, face shield at vitamins sa 1,199 families mula sa tatlong Barangays sa Batangas City sa City Coliseum.

Kasama niyang bumisita sa dalawang lugar na nabanggit sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Aimee Neri, Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Flordelona Amate, mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) at iba pang national government agencies.

Kaparehong ayuda ang ipinagkaloob naman sa 1,774 families mula sa seventeen barangays ng municipality of Lobo sa distribution activity na ginanap sa kanilang Municipal Gymnasium sa araw din na iyon.

Piling mga benepisyaryo naman ang nabigyan ng tablets para makatulong sa kanilang mga anak sa paglahok sa blended learning na ipinatutupad sa mga eskuwelahan.

Nangako naman si Go na magpapadala ng mas marami pang tablets sa mga estudyante na nasira ang laptops at learning devices dahil sa bagyo.

โ€œPakiusap ko lang po sa mga kabataan na mag-aral kayong mabuti dahil kaming mga magulang nagpapakamatay po para lang mapag-aral kayo. Kasiyahan na po ng mga magulang na makita ang mga anak nakapagtapos. At edukasyon po ang puhunan natin sa mundong ito,โ€ sabi pa ni Go.

Karamihan din sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng bisikleta na magagamit nila sa pagpasok sa trabaho sa harap nang limitadong Public transportation dahil sa pandemic.

Samantala, naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development para mamahagi ng hiwalay na financial assistance at food packs.

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office naman ay namahagi ng basic medicines at food packs.

Nagsagawa naman ang Department of Trade and Industry ng assessment at validation sa mga beneficiaries na maaring ma-qualify sa kanilang existing livelihood start-up and training programs.

Ang National Housing Authority ay nangako naman na tutulungan ang mga benepisyaryo na muling maitayo ang kanilang bahay.
Sumailalim sa validation at assessment ang mga benepisyaryo para ma-qualify sa emergency housing assistance.

Pinapurihan naman ni Go ang gobyerno sa pagsusumikap na protektahan ang buhay ng mga Filipino sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

โ€œKuntento po ako dahil sa tulong ng ating LGUs na talagang naghanda sila bago dumating pa โ€˜yung bagyo. โ€˜Yung mga evacuation sites nila, โ€˜yung preemptive evacuation nila na ginawa para po sa ating mga kababayan. I commend them,โ€ sabi ni Go.

โ€œNandirito rin ang national government agencies na inatasan po ni Pangulong Duterte na magresponde, agad na tumugon, at tulungang makabangon muli and restore normalcy sa bawat probinsya sa bawat munisipyo,โ€dagdag pa nito.

Nagbigay din ng grado na eight over ten si Go sa governmentโ€™s disaster preparation and response sabay sabi na palaging may tsansa para paghusayan pa ang pagtugon sa sakuna.

โ€œImportante sa akin walang nasaktan, โ€˜yon po ang pinakaimportante dahil prayoridad natin ang maprotektahan ang buhay ng bawat tao,โ€ sabi niya.

Inulit din nito ang panawagan sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience saying that while current mechanisms are in place, policy makers must be open to improving these further to ensure that the government becomes more responsive to the changing times.

โ€œIsang aspeto na dapat natin mas maisaayos pa ay ang inter-agency coordination. Ito ang dahilan kung bakit matagal ko nang inirerekomenda at paulit-ulit ko nang sinasabi na dapat magkaroon ng isang departamento na may secretary-level na in-charge para mayroong timon na tagapamahala ng preparedness, response, and resilience measures pagdating sa ganitong mga krisis at sakuna,โ€ giit ni Go.

Aniya, ang naturang panukala ay maglalatag ng malinaw na chain of command, more responsive mechanisms at more holistic, proactive approach sa pagtugon sa crisis situations sa bansa kung saan ang natural disasters ay isa na lamang โ€œnormal occurrences.โ€

15,000 sa totally damaged at 8,000 sa partially damaged houses

Samantala, tiniyak ng National Housing Authority na makatatanggap ng tig-P10,000 ayuda ang mga totally damaged houses at tig-P5,000 naman sa mga partially damaged houses. Bukod dito, magkakaloob din ang DSWD ng tig-P5,000 sa mga totally damaged at tig-P3,000 naman sa partially damaged houses.

Kung kaya kapag naproseso na ang mga pangalan at navalidate na ang mga isinumiteng pangalan ng mga pamilyang nasiraan ng kanilang mga tahanan, may kabuuang ayudang tig-P15,000 ang bawat totally damaged houses, at tig-P8,000 naman para sa partially damaged houses.

โ€œMalaking katugunan ito sa aming mga pangangailangang maibangin ang aming nawasak na tirahan,โ€ pahayag ni Mang Ruben ng Lobo, Batangas sa panayam ng BALIKAS News.

Namahagi rin ng mga pananim na binhi at mga abono ang Kagawaran ng Pagsasaka sa bayan ng Lobo sa pangunguna ni Secretary William Dar. Kasama sa mga tinanggap ni Lobo Mayor Jorly Manalo ang 10 baka, 10 kalabaw, 10 kambing, 2 chainsaw, 4 na hand tractors at marami pang mga gamit pang-agrikultura na may kabuuang halagang P5,368,040.00.

Sa kabilang dako, naisakatuparan naman ang pagbisita sa lungosd Batangas sa pakikipag-ugnayan nina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha.

May 1,203 pamilya ang tumanggap ng P5,000.00 pay-out mula sa DSWD.

Namahagi rin ng mga food pack at vitamins ang tanggapan ng senador.

Nagpa-raffle din siya ng 25 units ng tablet upang magamit sa pag-aaral ng mga estudyante at 25 bisikleta na maaring namang gamitin sa paghahanapbuhay.

Nangako rin siya na papalitan ang mga nasira o nalubog sa bahang tablets na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Senator Go na maaring makipag-ugnayan sa mga Malasakit Center na nakatalaga sa mga government hospital ang mga nangangailangan ng medical assistance.

Binigyang diin niya na tutulong siya kay Congressman Marino sa paghahanap ng pondo para sa mga road rehabilitation projects sa coastal barangays.

Tumanggap ang mga tauhan ng PCSO ng aplikasyon para sa financial assistance at nagbigay din ito ng food packs.

Magpapadala naman ang DTI ng kanilang mga kinatawan sa lungsod upang magproseso ng application para sa tulong pinansyal para sa mga apektadong negosyante gayundin sa mga nais magsimula ng sariling negosyo. [May ulat mula sa PIO Batangas City]

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -